THIRD PERSON'S POV HANDA NA ang mga gamit na gagamitin para sa chemotherapy session ni Scythe, siya na lang ang hinihintay. Ngunit hindi niya alam kung paano ang gagawin sa kabang nararamdaman niya. Alam naman niyang normal lang ang kabahan. Iyon nga lang, hindi niya alam kung normal bang isipin na umatras na naman. Natatakot kasi siya, takot na takot siya. Pero dahil gusto niyang gumaling, kailangan niyang harapin ang takot niya. Mas lalo pang tumindi ang kabang nararamdaman niya nang isa-isang pumasok ang mga nurse sa kaniyang private room kasama ang ilang mga doctor. Huminga siya nang malalim na para bang sa ganoong paraan, mababawasan ang kabang nararamdaman niya pero hindi. Ni hindi iyon nabawasan kahit kalahating porsyento. Isa-isang lumapit sa kaniya ang mga nurse kaya halos ma

