THIRD PERSON'S POV BUMAGSAK ANG pag-asa ni Bruno nang makita ang dating kasintahan ng babaeng nagugustuhan niya na narito na ngayon sa hospital. Halata sa hitsura nito na alam na nito ang nangyayari dahil lumuluha ang mga mata nito habang nagsisisi naman ang ekspresyon ng mukha nito. Katabi ng lalaki ang nagdadalang-tao nitong nobya na nakangiti nang matamis ngunit may pangambang nababanaag sa mga mata nito. Katulad ng babae, nangangamba rin siya. Dahil alam niyang kapag nalaman ng lalaki ang tunay na kondisyon ni Scythe, posibleng mawala na ang lahat ng natitirang pag-asa niya para sa babae. Ngunit hindi naman iyon ang pinakadalhilan ng pangamba niya. Nangangamba kasi siya na muling masaktan ang babaeng minamahal. Kahit pa kasi alam na ng lalaki ang kondisyon nito, hindi pa rin maaaring

