IMEE'S POV NAPANGIWI AKO nang makita ang isang nakakadiring tagpo sa harap namin. Alam kong iyong ex ng pasyente ngayon ang dumating. Kasama ang other woman nito. Chariz! Hindi naman iyon kabit. Dahil sobrang chismosa nitong si Andrew, hindi nakaligtas sa matalas niyang pandinig na bagong girlfriend iyon ng lalaki. Parang ako tuloy ang nasasaktan doon para sa babae dahil para siyang martyr. Iyong tipong pinauubaya iyong jowa sa ex girlfriend nito. Parang ganoon iyong eksena. Jusmiyo! Masyadong pang-teleserye. Pero hindi ko naman magawang umangal dahil marunong naman akong rumespeto ng moment nilang dalawa. Sadyang corny lang sa paningin ko pero keri naman. Kaya ko namang tiisin. "Z-Zy… ano ang ginagawa mo rito?" Luhaan si Scythe habang papalapit ang dati niyang jowa sa kaniya. Ganoon di

