THIRD PERSON'S POV MASAMA ANG loob ni Marcus. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman nang malaman ang tunay na sakit ng dalaga. Nagagalit siya pero pinipigilan niya ang sarili na maramdaman iyon. Ayaw niyang isipin na pinagkait sa kaniya ang katotohanan ng lahat. Ayaw niyang isipin na pinagmukha siyang tanga ng lahat ng taong nakakaalam sa tunay na sakit nito. Gusto niyang magdamdam. Kahit paano, malakas ang kumpyansa niyang may karapatan siyang malaman ang totoo dahil naging mabuting boyfriend naman siya kay Scythe noon. May pinagsamahan din sila. At hindi lang iyon, they used to think of their futures with each other before. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit inilihim sa kaniya. Buti sana kung sila pa ng dalaga, maiintindihan niya na baka inilihim nito dahil baka

