THIRD PERSON'S POV NATAHIMIK ANG lahat nang umalis sa harap nila si Marcus. Kapwa nila nirerespeto ang isip ng bawat isa na ngayon ay gulong-gulo. Bistado na sila. Sa ilang araw, linggo, buwan at taon nilang tinago sa binata ang katotohanan, ngayon ay nabisto na sila, nalaman na nito ang totoo at wala na silang dapat pang itago. Masakit para sa mga magulang ni Scythe na galit ang binatang si Marcus sa kanila ngunit wala naman silang magagawa. Hindi nila maaaring sabihin dito dahil anak naman nila ang magagalit sa kanila. They have no choice. Kung alam lang nito, ilang beses na silang nagtangkang kausapin ito. Pero nananaig ang pangako nila kay Scythe na kahit ano ang mangyayari, walang lalabas na sikreto tungkol sa sakit nito. Kung alam lang ni Marcus, ilang beses silang nagtalong mag-

