THIRD PERSON'S POV MATAPOS MAKAUSAP ni Sehun ang dating kasintahan na si Imee na siyang pinsan ng pinakamamahal niyang babae ay umuwing tuliro ang binata. Hindi alam kung ano ang gagawin sa buhay dahil hindi niya matanggap na posibleng hindi na niya makita ang dalagang minamahal. Kaya pala, sa tuwing pupunta siya sa harap ng condominium building na iyon ay ni isang beses, hindi na niya nakita ito. Hindi naman siya pumapalya sa pagpunta, ang nais niya lang naman din talaga ay ang silipin at tanawin ito mula sa malayo. Ngunit simula nang gawin niya ang pagtanaw mula sa malayo ay hindi niya ito nakita. Iyon pala, wala na ang dalaga sa Pilipinas. Nasa ibang bansa na ito. At sinabing doon na lang maninirahan. Iyon ang pagkakakuwento sa kaniya ni Imee, hindi naman maaari na hindi niya paniwa

