THIRD PERSON'S POV "OKAY KA na ba?" Tumango-tango ang dalagang si Sceena sa tanong ng kaibigan niyang si Miguel patungkol sa nararamdaman nito. Hindi pa rin kasi bumababa ang lagnat niya pero hindi naman siya nakakaramdam ng pahihina hindi tulad noong mga unang araw na nalaman niyang nahimatay siya dahil sa lagnat. Wala na rin siya sa hospital. Nandito siya ngayon sa kwarto niya, nagpapahinga. Ang alam niya lang, dalawang buong araw siyang tulog at ngayon ang ikalawang araw niya rin ng paggising. Ilang gabi na siyang hindi makatulog dahil sa kakaisip ng mga bagay-bagay. Ang bigat-bigat pa rin ng loob niya. Parang gusto niyang dukutin ang puso niya at ilabas iyon dahil parang ang sikip ng espasyo sa puso niya at nasasakal ito. "Kain mo 'to. Huwag kang pasaway." Inabot sa kaniya ni Mig

