IMEE'S POV "ARAY KO, Andrew! Ano ba 'yan!" angal ko nang magitgit nang baklang ito. Tinaasan ako ng kilay ng bakla kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Napakabobita naman ng baklang 'to. Magtataray na lang, doon pa sa mas mataray sa kaniya at mas maganda. "Tanga ka, eh may gwapo, oh! Shunga lang 'te?" patanong na saad sa akin ni Andrew. Bakla 'to kaya grabe ang bunganga sa pagputak. Daig pa ratrat ng nanay niyang chismosa eh. "Eh bobo ka pala, eh. Bakit ako ang ginigitgit mo?" angil ko sa kaniya. "Ay bobo nga. Inday, huwag mo masyadong ipahalatang kinder lang natapos mo." Nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi nito. Hindi dahil sa naiinsulto siya kundi masyadong tapat sa kaniyang sinasabi. Baklang 'to. Hindi man lang kayang magsinungaling. Nandito kasi kami ngayon sa paborito naming bar

