THIRD PERSON'S POV ISANG MALIWANAG na umaga ang gumising kay Scythe mula sa ilang araw niyang pagkakahimbing. Hindi naman iyon dire-diretso pero hindi niya na rin gusto ang gumising pa na ang sasalubong sa kaniya ang puting kisame at puting kapaligiran. Tanda lang kasi iyon na muli, naroon na naman siya sa hospital, kung saan, bumabalot ang kalungkutan sa lahat ng mga taong nananatili rito nang may sakit at gusto pang mabuhay. Tulad niya. Minsan, naiisip na lang talaga niya na sumuko. Hindi lang pala iyon minsan. Madalas niyang naiisip iyon. Sa tuwing maaalala niya na mayroon siyang sakit na iniinda lagi niyang naiisip ang salitang pagsuko. Parte na siguro iyon ng isip niya dahil alam niyang hindi naman talaga malakas ang kaniyang pananampalataya. May mga pagkakataon talaga na panghihina

