AINNA'S POV HINDI MADALI para sa akin ang tanggalin ang pagmamahal kay Sehun. Siya kasi ang unang lalaki na minahal ko. Sa kaniya ko naramdaman na hindi lang ako basta babae. Minahal niya ako sa kabila ng pagkakaiba ng estado namin sa buhay. Siya mayaman, samantalang ako, laging kinakapos sa araw-araw na gastusin. Palibhasa'y hindi naman kami lumaki na may gintong kutsara sa bibig. Niraos nga lang nina mama at papa ang pag-aaral ko. Mabuti na lang talaga at natapos ko nang pag-aralin si Arthur. Kung hindi, hindi pa siguro kami makakaluwag-luwag ngayon. Ayaw ko nang bumalik sa buhay namin noon. Sobrang hirap. Kung hindi ka matatag, babagsak ka. — Flashback — "Kung mamalasin ka nga naman talaga!" Sa sobrang inis ay hinampas ko ang manibela. Pakalat-kalat kasi na pusa. Kamuntik ko nang ma

