PAGE 4

1119 Words
Hindi ko alam kung paano akong nakatulog sa sofa kagabi pero isa lang ang masasabi ko, masakit ang likod ko. Maikli lang ang sofa ko kaya naman nakabaluktot ako kagabi. Mas gugustuhin ko naman ang sumakit ang likod ko gabi-gabi, ’wag lang si Luna ang makatabi. Ang naging sistema namin ay siya ang nasa kama ko at akong may-ari ng bahay ay nasa sofa. ‘Buti na lang gentleman ako.’ Napailing na lang ako bago tingnan ang sarili sa salamin na nandito sa k’warto ko. Tiningnan ko ang sarili ko na nakabihis na ng uniporme. G’wapo ko parang walang asawa. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na kung na saan si Luna na nauna nang bumaba kanina. Habang pababa ay may naamoy akong mabango, mabango na parang may nagluluto. Huminto ako at inamoy nang mabuti ang amoy na nanggagaling sa kusina. Napapikit pa ako dahil sa naaamoy ko. Napalunok ako bago maglakad papalapit sa pinto ng kusina kung saan nakita ko si Luna na nakatayo sa harap ng stove habang nagluluto. “Maupo ka na riyan, tatapusin ko lang ang isang ’to.” Napataas ang kilay ko nang magsalita siyang bigla. Nakikita niya ba ako kahit na nakatalikod siya? ‘Creepy.’ “Baka ma-late ka.” Humarap siya sa akin kasabay ng pagp*tay niya sa stove. Hawak-hawak niya ang sandok at isang plato na may laman na pancake. “Kain na,” sabi niya pa bago ibaba ng tuluyan ang hawak niya sa lamesa. Wala akong nagawa kung hindi ang lumapit sa lamesa upang kumain dahil hindi ako nakakain kagabi kaya naman nakakaramdam na ako ng gutom. Pagkaupo ko ay agad na nilagyan ni Luna ng pagkain ang plato na nasa tapat ko. “Kumain ka,” saad niya at binigyan ako ng isang ngiti. Napaawang ang labi ko dahil sa nakita ko. ‘What the h*ll is that?’ Napailing na lang ako bago tingnan at simulang kainin ang pagkain na nasa harap ko. Siya ang nagluto nito, tingnan natin kung papasa at p’wede na talaga siyang may-bahay. Napatango-tango ako nang malasahan ang niluto ni Luna. ‘P’wede na pero ayaw ko pa rin sa kaniya.’ Patuloy lang ako sa pagkain hanggang sa mapatigil ako nang mapansing wala na si Luna sa loob ng kusina, wala rin siya sa katapat kong upuan kung saan may nakalapag ding plato sa harap nito. Binitawan ko ang kutsarang hawak ko at inilibot ang paningin sa paligid upang hanapin ang babae. Tumayo ako at humarap sa likod ko pero agad akong napaatras nang makita ko rito ang hinahanap ko na naka-cross-arm pa. “May hinahanap ka?” tanong niya sa akin kaya naman makailang ulit akong umiling sa kaniya. “W-wala!” sagot ko rito bago bumalik sa upuan at ilang ulit na mapalunok. Nakakagulat siya. Hindi lang pala siya nakakatakot, nakakagulat din. Uminom ako nang tubig dahil pakiramdam ko ay nabulunan ako dahil sa gulat ko. Nakita ko na naglakad si Luna at naupo sa upuan na katapat ko sa may lamesa. “Nagustuhan mo ba ang luto ko?” tanong niyang bigla sa akin kaya naman napatingin akong bigla sa kaniya. “Hindi ko naman kakainin ’to kung hindi masarap,” saad ko at tumaas ang aking kilay nang makita kong ngumiti siya. “Ibig sabihin ay masarap ang niluto ko?” nakangiting tanong niya sa akin. “Wala akong sinabi na masarap.” “Gano’n na rin ’yon, kinain mo ’yan dahil nagustuhan mo ang lasa,” sabi niya kaya naman napakibit-balikat na lang ako kaysa makipagtalo pa sa kaniya. Oo, masarap ang luto niya pero ayaw ko pa rin sa kaniya. “Kanina nga pala may babaeng nagpunta rito at sinabi ang lahat ng utang mo.” Tuluyan akong nabilaukan dahil sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang baso sa tabi ko na may laman na tubig. Tinungga ko ’yon bago tumingin sa kaniya. Tiningnan ko ang kalendaryo at nakita ko ang petsa ngayong araw at napapikit ako nang mariin. ‘Walang duda si Aling Lourdes ang tinutukoy niyang babaeng nagpunta kanina rito.’ Araw ng pagbabayad ko sa kaniya ngayon. “Sabi niya ay limang libo pa raw ang utang mo sa kaniya kaya binayaran ko na.” Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Luna. Nakakahiya. Sobrang nakakahiya. Unang araw niya pa lang dito pero gano’n na agad ang nangyari. “P-pasensya na,” sabi ko habang natatawa ng peke. “Okay lang at saka limang libo lang naman ’yon,” aniya habang kumukuha ng pagkain. Lang!? Limang libo LANG!? Sa kaniya 'lang' lang ’yon pero sa akin napakalaking bagay na no’n. Nakakaiyak. Tiningnan ko siya at nakita ko na kumakain na siya. Sa uri ng pagkain niya ay mahahalatang mong mayaman talaga siya dahil sa pagkilos niya. Mayaman naman pala siya bakit hindi pa siya naghanap ng kauri niyang lalaki? ’Yong lalaking alam niyang magugustuhan din siya. Binitawan ko ang hawak kong kutsara para maghanda nang umalis. “Aalis ka na?” tanong sa akin ni Luna at tumayo rin. “Oo, mala-late na rin ako,” sagot ko sa kaniya. “Gano’n ba? Sandali lang,” wika niya bago umalis at magmadaling lumapit sa ref na nasa kusina ng bahay ko. Tulad nang sinabi niya ay hindi ako umalis agad at hinintay siya at nagulat naman ako nang pagbalik niya sa akin ay may hawak siyang paper bag. Inaabot niya sa akin ’yon pero tiningnan ko lang ’yon dahil sa pagtataka. “Kunin mo,” utos niya sa akin kaya naman kahit na nagtataka ay kinuha ko ’yon. “Ano ’to?” tanong ko rito at sinilip ang laman ng paper bag na hawak ko. “Foods, pinagluto na rin kita ng makakain mo eskwelahan mo,” sabi niya bago ako ngitian. Tiningnan kong muli ang hawak ko bago ibalik kay Luna ang paningin. “Dapat ay hindi ka na mag-abala,” sabi ko. “Okay lang ’yan, ganiyan naman talaga ang gawain ng mga may-bahay.” “May-bahay?” tanong ko. “Yes, ’di ba ay asawa mo ako?” Biglang uminit ang mukha ko dahil sa hindi malamang dahilan. “Sige na baka ma-late ka pa.” Nauna siyang maglakad papunta sa sala kaya naman nang mawala na sa paningin ko si Luna ay napabuga ako ng isang mahabang hininga. “P*tcha,” bulong ko bago sulyapang muli ang hawak ko. Pakiramdam ko ay may kung ano hayop sa tiyan ko dahil para akong nakikiliti. Umiling na lang ako bago sumunod kay Luna na alam kong naghihintay na sa sala. Kailangan ko na bang masanay sa ganitong routine? Pero nakakatakot dahil baka kapag nasanay na ako sa kaniya ay bigla na lang siyang umalis kapag nakuha na niya ang gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD