“Kenen, bakit ba umalis ka kahapon? Tapos tinulak mo pa ako!” nakangusong wika ni Joyce sa akin kaya naman napakamot ako sa aking ulo.
“Nagkaro’n lang kasi ng emergency kahapon kaya napaaga ang alis ko, pasensya na,” sabi ko kay Joyce at inirapan naman niya ako.
“Lagi na lang nauudlot ang balak nating gawin,” aniya na parang nagtatampo.
‘Pero ano ba ang balak naming gawin?’
Peke akong natawa dahil sa inaasta ngayon ni Joyce.
Nilabas ko na lang ang pagkain na baon ko dahil kakain na kami ni Joyce.
“Naiisip ko tuloy na baka hindi talaga tayo para sa isa’t-isa pero hindi ako papayag, kung hindi tayo para sa isa’t-isa, ipilit natin,” wika niya at kumapit sa braso ko kaya naman agad kong inilibot ang aking paningin dahil baka makita na naman ako nila Recco at iba na naman ang isipin nila.
Pilit akong ngumiti bago unti-unting tanggalin ang pagkakayakap ni Joyce sa braso ko.
“A-ang galing mo talaga magpatawa,” sambit ko at bahagyang lumayo kay Joyce.
“Tse! Hindi ako nagpapatawa!”
“Joyce, baka gutom lang ’yan. Kain ka na.” Binuksan ko ang lunch box na nasa harap ko pero natigilan ako nang may makita akong isang maliit na papel na nahulog.
Kinuha ko ’yon at nakita ko na may sulat.
‘Kumain ka, wala namang lason ang pagkain na pinabaon ko sa’yo. —Your wife.’
Agad kong itinago ang papel na hawak ko nang sumilip si Joyce sa hawak ko.
“Ano ’yan?” tanong niya sa akin at umiling naman ako.
“Wala, listahan lang ’to ng mga pagkain na binili ko,” pagsisinungaling ko.
Buti na lang at naniwala siya sa sinabi ko at hindi na nangulit pa.
Tiningnan ko ang laman ng lunch box ko bago kainin.
Sunod-sunod ang naging pagsubo ko dahil hindi ko na itatanggi na may talento siya sa pagluto.
Kung ganito ba naman kasarap lagi ang lakainin ko ay baka tumaba na ako nito.
Habang kumakain ay hindi ko na namalayan na kinakausap pala ako ni Joyce kung hindi lang niya ako kinalabit ay hindi ko talaga mamamalayan.
“’Di ba?” tanong nito sa akin at gulat naman akong tumingin sa kaniya.
“H-ha?” tanong ko sa kaniya dahil hindi ko alam ang tinutukoy niya.
“Hindi ka ba nakikinig sa sinasabi ko? Sinabi ko na maganda si Cheska pero mas maganda ako, ’di ba?” tanong niyang muli kaya naman napalunok ako.
Ang taas ng self-confidence ni Joyce pero may hitsura naman siya.
“Sabi mo e,” sambit ko na lang bago balikan ang kinakain ko.
“Sabi ko na! Nagagandahan ka rin sa akin pero nagtataka ako kung bakit nakangiti ka habang kumakain?” tanong niya sa akin at napataas naman ang dalawa kong kilay. “Masarap ba ’yan? Patikim nga—”
Agad kong nailayo ang lunch box ko nang tangkain ni Joyce na kumuha rito.
Nagulat siya sa ginawa ko.
“Konti lang naman,” sabi niya ulit at tinangkang abutin ang pagkain ko pero mas lalo ko iyong nilayo.
Niluto sa akin ’to ni Luna kaya naman dapat ay sa akin lang ’to.
“Gutom pa kasi ako, baka mabitin ako kapag namigay pa ako,” sabi ko sa kaniya at narinig ko naman ang pagbulong niya.
“Sungit-sungit,” bulong niya at napangiti naman ako.
Nagpatuloy kami sa pagkain at hindi na ulit nangulit si Joyce na manghingi sa kainakain ko at nang matapos kaming kumain ay naglakad na kami pabalik sa room namin.
“Hay, buti na lang malapit ng mag-uwian. May lakad ka ba ngayon, Kenen?” tanong sa akin ni Joyce kaya naman tumingin ako sa kaniya.
Nandito kami ngayon sa isang hallway, naglalakad pabalik sa room namin.
“Wala naman,” sagot ko sa kaniya.
“Kung gano’n ay p’wede mo akong samahan sa mall!?” tanong niya sa akin at para bang kumikinang ang kaniyang mga mata.
Wala naman talaga akong gagawin dahil wala pa akong nahahanap na bagong trabaho kaya naman wala sigurong masama kung sasamahan ko si Joyce.
Isa pa magkaibigan kami kaya naman hindi ko siya matatanggihan.
“Sige,” sagot ko sa kaniya at halos mapatalon naman siya sa saya dahil sa naging sagot ko.
Pagkarating namin sa room ay nagulat kami nang makita na namin ang prof namin na para sa subject namin na History at akala ko ay mapapagalitan kami nito dahil akala namin ay late na kami ni Joyce ’yon pala ay maaga lang talaga siyang pumunta sa room namin.
Habang nakaupo ay naisipan kong kuhaning muli ang sulat na nakita ko sa paper bag na pinadala sa akin ni Luna kanina.
Binasa kong muli ang nakasulat dito.
May paganito pa siya akala naman niya kikiligin ako.
“Mr. San Luis?” Tumingin ako sa prof namin nang tawagin niya ako.
“Present,” sabi ko.
Tumango sa akin ang prof namin bago tawagin ang iba ko pang ka-block.
Baka sa una lang magaling si Luna, sigurado ako na tatamarin na siyang ipagluto ako araw-araw.
Alam ko na mananawa rin siya sa akin lalo na kapag nalaman niyang wala talaga akong balak na ibigay ang gusto niya.
Inalis ko muna ang bagay na iyon sa isip ko at mas nag-focus sa tinuturo ng prof namin.
“Kaya nga lagi kong pinapaalala sa inyo na mag-aral kayo ng mabuti, ’wag muna kayong mag-asawa,” sabi ng prof namin at nasamid naman ako sa sarili kong laway.
Bakit parang tinamaan ako sa sinabi niya na ’yon.
“Mga bata pa kayo kaya dapat i-enjoy niyo muna ang pagiging bata niyo, ’wag muna kayong magpapatali lalo na kung kakakilala niyo pa lang sa isa’t-isa.”
‘Paano naman ang kaso ko?’
Napailing na lang ako.
“Mas maganda ’yong magpapakasal ka sa taong talagang sigurado kang mapapasaya ka, talagang mahal mo at mamahalin ka rin pabalik at higit sa lahat ay ’yong taong alam mo na may kinabukasan ka.”
Ganiyan din ang gusto kong mangyari sa akin pero kabaliktaran ng lahat ng ’yan ang nagyari sa akin ngayon.
Nang mag-uuwian na kami ay nilapitan ako ni Joyce dahil sumabay na raw ako sa kaniya.
“Ang saya-saya ko talaga, Kenen,” nangiting wika niya.
Kailan kaya ako matatawag ni Joyce sa tama kong pangalan?
“Kasi kasama kita,” aniya.
Muli siyang kumapit sa braso ko at nanindig ang mga balahibo ko nang may maramdaman ako.
Kiniskis niya pa ang sarili niya sa braso ko kaya naman napalunok ako.
Nararamdaman ko ’yong ano niya... ’Yong... ’Yong d-dibdib niya!
Nararamdaman ko ang malambot niyang dibdib na nasusunggo ng braso ko dahil sa ginagawa niya!
Naiilang na ako pero hindi ko alam kung paano siya paaalisin sa pagkakayakap sa akin.
Hinawakan ko na lang ang ulo niya gamit ang mga daliri ko upang bahagyang ilayo sa akin.
“W-wala ’yon, basta ay masaya ka ay masaya na rin ako,” ani ko habang inilalayo unti-unti ang katawan niya sa akin.
May kaya sa buhay sila Joyce kaya naman paglabas namin sa campus ay nakita agad namin ang naghihintay niyang service.
“Sakay ka na, Kenen,” utos niya sa akin kaya naman sumakay na ako at akala ko ay sa harap siya sasakay pero nagulat ako nang sa back seat din siya umupo katabi ko.
“Kuya, sa Mall tayo,” utos ni Joyce sa kaniyang driver.
Nagsimula nang umandar ang sasakyan na sinasakyan namin ni Joyce.
Saglit lang naman siguro kami ni Joyce.
“Ano bang bibilhin mo sa Mall?” tanong ko sa kaniya.
“Ahh, mamimili lang naman tayo ng damit.” Napatango na lang ako sa sinagot niya sa akin.
Hindi naman kalayuan ang Mall sa eskwelahan namin kaya naman nakarating kami agad sa paroroonan namin.
“Tatawagn na lang kita kapag pauwi na kami.”
“Sige po, Ma’am. Ingat po kayo.” Hinintay lang namin namakalis ang sasakyan nila Joyce bago kami pumasok sa loob ng Mall.
Muli na namang kumapit sa braso ko si Joyce kaya naman nakaramdam na naman ako ng pagkailang.
Lalo na at nasa Mall kami, public place ’to at may posibilidad na may makakita sa amin at pagkamalan kaming magkasintahan.
Pinabayaan ko na lang si Joyce dahil wala namang malisya para sa akin ang ginagawa niya at isa pa hindi ko na nararamdaman ang ano niya.
Hindi na ako nagtanong kay Joyce nang kung ano-ano at hinayaan ko na lang siya na dalhin ako kung saan-saan.
“Napansin ko kasi na medyo naluluma na ang mga damit ko kaya naman bibili na ako ng bago,” k’wento sa akin ni Joyce kahit na hindi ko naman tinatanong. “Ikaw? Baka may magustuhan kang damit ay sabihin mo lang sa akin at bibilhin ko ’yon para sa’yo.”
“Hindi na,” sabi ko bago mapahawak sa batok. “Marami pa naman akong damit at magagamit ko pa naman ang lahat ng ’yon.”
“Pero iba pa rin ’yong may bago kang damit, ’di ba? ’Wag ka na ngang tumanggi!” sabi niya bago ako tuluyang hilahin kung saan.
Habang naglalakad at papunta kung saan ay inililibot ko ang aking paningin sa loob ng Mall dahil pakiramdam ko ay lagi akong nandito kahit na ang totoo ay sa tuwing inaaya lang ako ni Joyce ay no’n pa lang ako nakakpasok at nakakapunta sa Mall.
“Dito tayo.”
Pinagbuksan kami ng guard ng pinto papasok sa isang boutique.
“Good evening, Ma’am and Sir,” bati sa amin ng isang sales lady kaya naman tipid akong ngumiti sa kaniya at nagulat ako nang mas lalong lumapad ang ngiti nito at mamula ng bahagya.
“Hi, Tita Aira is here?” tanong ni Joice sa sales lady na nasa harap namin.
“Yes, Ma’am. Wait a minute,” sabi nito bago umali sa harap namin.
Tumingin naman ako kay Joyce nang hilahin niya ako papunta sa mga upuan na nandito sa shop.
“Hintayin muna natin si Tita,” aniya at nagsimulang magtingin-tingin sa mga nakahilerang damit sa harap namin.
Habang si Joyce ay nagtitingin-tingin sa mga damit ako naman ay nakaupo lang habang pinapanood siya.
Ano na kaya ang ginagawa ngayon ni Luna?
Dapat pala ay nagpaalam muna ako sa kaniya— pero ano bang pakialam ko? Asawa ko siya sa papel, kaya okay lang na gawin ko ang gusto ko at hindi ko na kailangan ang permiso niya.
Tama.
“Ito?” Tumingin ako kay Joyce nang may ipakita siya sa aking isang dress habang nakatapat iyon sa kaniyang katawan.
“Okay naman ang design niya pero hindi nag-fit ang kulay niya,” komento ko at tiningnan niya naman ang hawak niyang damit bago iyon ibalik sa pinagkuhanan niya.
“How about this one?” Tiningnan kong mabuti ang damit na hawak niya.
Crop top ang tawag sa mga gano’ng damit.
“Ayos siya at maganda ang kulay pati na rin ang design pero hindi siya bagay sa’yo.”
“Kaya sinama rin kita dahil ang galing mong magtingin ng damit,” aniya bago ngumiti.
“Hello, hija.” Napatingin kami sa babaeng kalalabas lang sa isang pinto.
Tiyahin ni Joyce na kapatid ni Tita Joey na mommy ni Joyce.
“Good evening, Tita!” bati rito ni Joyce bago makipagbeso.
“Good evening too, sino pala ang kasama mo?” tanong nito kaya naman tumayo ako lalo na nang tumingin sa akin si Joyce.
“Magandang gabi po,” bati ko rito at sinipat naman niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
First time nga lang pala niya akong makikita dahil sa tuwing pupunta kami rito ay lagi siyang wala.
“Nobyo ka ba ng pamangkin ko?” tanong nito sa akin kaya naman napatingin ako kay Joyce at nakita ko na inayos niya ang kaniyang buhok.
“Nako, hindi po. Ang totoo po niyan ay magkaibigan lang po kami ni Joyce,” sabi ko rito at agad na gumuhit ang panghihinayang sa mukha niya na aking ipinagtaka.
“Akala ko ay nobyo ka na ni Joyce, ang ganda-ganda mo pa namang lalaki.”
Mahina akong natatawa sa naging reaksyon niya.
“Hindi po.”
“May girlfriend ka na ba?” biglang tanong sa akin nito at umiling naman ako. “Kung gano’n ay bakit hindi mo ligawan itong si Joyce total ay mukhang bagay naman kayong dalawa.”
Akala ko ay pagbili ng damit ang ipinunta namin dito pero bakit inirereto na ako ng Tita ni Joyce sa kaniya.
“Tita, nakakahiya kay Kenen,” ani Joyce habang namumula.
“Anong nakakahiya ro’n? Single siya at single ka rin e di magligawan na kayong dalawa,” sabi na naman ulit ng Tita ni Joyce kaya naman nagsalita ako.
“Ang totoo po niyan ay may asawa na ako,” nagulat sila sa sinabi ko at pati ako ay nagulat ako kung bakit sinabi ko ’yon.
“What!?” sabay na tanong sa akin ng magtiyahin.
Bakit ko sinabi ’yon!?
Dapat ay secret lang namin nila Luna ’yon!