PAGE 6

2680 Words
Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko no'ng mga oras na iyon dahil ultimong ang bibig ko ay pinagtataksilan ako! Hindi ko alam kung anong palusot ang gagawin ko lalo na nang makita ko silang nakatingin sa akin. "W-what do you have— what!?" tanong ni Joyce na parang nabingi na sinabi ko. "W-wala, that's nothing," wika ko at sinundan ng pekeng tawa bago mag-iwas ng tingin sa kanila. Mapap*tay ako ni Luna. Napalunok ako at binigyan sila ng isang alanganing ngiti. "Ang weird mo, alam mo baka gutom lang 'yan, Kenan, mamili na tayo para makakain na tayo pagkatapos," ani Joyce at muling isinukbit sa aking braso ang mga braso niya at halos manindig ang mgabalahibo ko dahil sa naramdaman ko. Ang lambot. Ang lambot ng dibdib ni Joyce! D*mn it! "A—he—Joyce," tawag ko sa kasama ko upang sana humiwalay sa kaniya pero nagulantang ang pagkatao ko nang bigla na lang magtatatalon si Joyce at kumiskis sa braso ko ang kaluluwa niya. "Look, Kenen! Ang ganda!" Parang batang sabi ni Joyce habang tumatalon pa rin. Hinuli ko ang braso ni Joyce upang mahinto siya sa pagtalon dahil pakiramdam ko ay mas lalo akong nagkakasala kapag nararamdaman ko ang hinaharap ni Joyce. Naiisip ko ang mukha ni Luna kapag nakita niya kami sa ganitong posisyon. "Huh?" ani Joyce bago mapatingin sa braso niya na hawak ko kaya naman marahan ko 'yong binitawan at nginitian siya. "Just try it, mukhang bagay sa' yo," mahinahong wika ko sa kaniya at agad na may malaki na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi bago umakmang yayakap sa akin pero agad ko nang tinaas ang dalawa kong kamay upang pigilan siya. Mas malala ang mararamdaman ko kung yayakapin niya pa ako. "Alam ko ay nando'n ang fitting room." Tinuro ko ang bahagi ng shop ng Tita ni Joyce kung saan ko nakita kanina ang fitting room. "Okay, just wait for me, ipapakita ko sa'yo 'to kapag naisuot ko na," sabi niya bago ako talikuran at malakad papalapit sa fitting room, ako naman ay agad na napahawak sa dibdib at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Walang pakialam si Joyce kung dumikit na ang dibdib niya sa akin at tumalon-talon pa talaga. Napapikit ako bago lumapit sa upuan na inuupuan ko kanina. Malambot parang may bulak na kumikiskis sa akin pero para naman akong nagkakasala sa bawat mararamdaman ko ang bagay na 'yon. Napatingin ako sa orasan na nandito sa shop ng Tita ni Joyce at nakita ko na mag-a-alas otso pa lang ng gabi. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Luna, maaga pa naman at alam kong wala siyang pakialam sa akin. Pero kahit na alam kong wala namang pakialam sa akin si Luna ay bakit kinakabahan ako at panay ang tingin sa orasan, pakiramdam ko ay habang tumatagal ako sa shop ay para bang nalalapit na rin ang katapusan ko. "Kenen." Agad akong napatingin kay Joyce nang marinig ko ang boses niya na para bang nang-aakit. "What do you think?" tanong niya sa akin habang suot ang isang off shoulder na dress pero iba 'yong kay Joyce, nakalabas na ang cleavage niya. Napalunok ako bago tumingin sa mukha ni Joyce. Para bang namamalik mata lang ako pero nakikita ko sa mukha ni Joyce na nang-aakit siya at sinabayan niya pa ang pagdila sa labi. "Bagay ba sa akin?" tanong niya at unti-unting naglakad palapit sa akin kaya naman panay ang usad ko mula sa aking kinauupuan. "U-uhmm, y-yeah," kanda utal na sagot ko rito habang sinisikap na hindi tumama sa kaniya ang aking paningin. "Really? Then—" Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ko ang biglang pag-ring ng cellphone kung saan. Wala akong cellphone kaya naman nagkatinginan kami ni Joyce dahil walang sumasagot ng tawag. Pinakinggan namin nang mabuti kung saan nanggagaling ang tunog at nagtaka ako nang marinig namin 'yon sa bag ko kaya naman dali-dali kong kinuha ang bago ko at hinalughog ito at nangunot agad ang aking noo dahil sa nakita ko. Isang magandang cellphone ang hawak ko ngayon na nanggaling sa bag ko, patuloy ang pagtunog nito at ramdam ko ang pagkawala ng dugo sa aking mukha nang makita ang name ng caller. Luna babes. Tumingin ako kay Joyce na nakikisilip din sa cellphone na hawak ko kaya naman tinago ko ito sa aking dibdib. "Ang ganda ng cellphone mo," wika niya kaya ngumiti ako sa kaniya ng pilit bago sumenyas na sasagutin ang tawag pero agad namang hinawakan ni Joyce ang aking braso at muling yumakap dito. "Sagutin mo na, I want to hear it too," nakangusong sabi niya at 'yong dibdib niya nagsisimula na namang dumikit sa aking braso. "This important, Joyce," sabi ko rito. "Okay lang, hindi mo naman girlfriend 'yan dahil wala ka namang girlfriend kaya okay lang na sagutin mo 'yan dito," pangungulit niya at balak ko pa sanang magpumilit na kumawala sa kaniya pero parehas kaming natigilan nang may marinig kaming boses na nanggaling sa mismong hawak kong cellphone. "Kenan San Luis, alas-otso na, where are you?" malamig na tanong ng tao sa kabilang linya kaya naman makailang ulit akong napalunok. "It's a girl, who is she?" tanong ni Joyce kaya naman mas lalong dinaga ang dibdib ko. "I-it's my frien—" "I'm his wife and you are?" Natigilan ako sa sinabi ni Luna, she's so serious. So f*cking serious. Nagsimula nang bumilis ang t***k ng aking puso. "What!?" Inagaw sa akin ni Joyce ang cellphone na hawak ko at siya ng kumausap kay Luna. Gusto kong kunin ang cellphone na hawak ni Joyce kung saan si Luna ang nasa kabilang linya. "Are you crazy!? Who are you again!?" mataray na tanong ni Joyce habang ang mga kilay niya ay nagtataasan na. "J-Joyce—" "Shhh!" Baling sa akin ng babae nang subukan ko siyang tawagin. "C'mon, I don't know who you are but can you give the phone to my husband?" rinig kong wikang muli ni Luna. Naririnig ko ang mga bawat sinasabi ni Luna dahil parang naka-loud speaker ang phone na hawak ngayon ni Joyce. Pakiramdam ko ay nanunuyo na ang lalamunan ko dahil sa nangyayari ngayon kaya panay ang lunok ko. "You know, ang galing mong manloko, crazy! Kenan is only mine and he's too young para maikasal kaya kung sino ka man ay tigilan mo na 'yan— Tss! That girl, do you know who is she!?" tanong niya sa akin bago ibalik ang cellphone sa akin dahil patay na ang tawag. "Maniniwala na sana ako sa kaniya but when I saw your expression, I know she's a prankster." "I'm sorry, Joyce. But I need to go," biglang sabi ko at dinampot ang bag ko. Kung hindi pa ako uuwi ay baka sunduin na ako ni Luna. "Are you going to your home na?" malungkot na wika nito na para bang nakalimutan na ang nangyaring pakikipagtalo sa asawa ko— este kay Luna. "Y-yeah," sagot ko rito. "Babawi na lang ako next time." "It is true?" Maglalakad na sana ako nang magsalita muli si Joyce. "It is true that girl is your wife? But I can't belive, I know and I'm sure that girl is a crazy woman, baka mamaya ay ka-schoolmate lang natin siya na nahihiyang umamin sa'yo—" "I really need to go," sabi ko dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita. "Then, ihahatid ka namin," pagpiprisinta nito pero agad ko na siyang pinigilan. "Y-you don't need to do that, Joyce," saad ko. Ayaw kong masaktan si Joyce at gusto ko pa siyang samahan hanggang sa makabili siya ng mga damit na gusto niya pero kung hindi ako uuwi agad ay baka ako na ang saktan ni Luna. "But..." "Kaya ko ang sarili ko, salamat sa pagsama sa akin dito, I'm really sorry," sabi ko rito at tatalikod na sana ako rito pero muli niyang hinabol ang kamay ko. Ang mga mata niya ay parang nakikiusap kaya naman nag-iwas ako ng tingin. 'Yan ang ginagamit ni Joyce sa akin kapag may gusto siyang hilingin sa akin at hindi ko naman siya nahihindian dahil bukod sa kaibigan ko siya ay napakabuti niya pa sa akin. "Wala kang asawa, that's your secret admirer, I know that." Naramadaman ko na humigpit ang pagkakahawak ni Joyce sa akin kamay. Gano'n mo ba ako kagusto, Joyce? "Joyce, nakapili ka na ba ng damit?" Biglang sumulpot ang tiyahin ni Joyce kaya naman binawi ko na ang kamay ko. "Mauna na po ako," sabi ko rito na kaniyang kinagulat. "Kayo na po ang bahala kay Joyce, salamat po." "Aalis ka na agad?" taas-kilay na tanong nito sa akin kaya naman tumango ako rito. "Opo, I need to go to my home dahil medyo late na rin po at may kailangan din po akong gawin," magalang sa wika ko rito at tumingin naman siya kay Joyce. I'm sorry, Joyce. "Okay, mag-iingat ka, hindi ka pa sinasagot ng pamangkin ko," pahabol pa ng Tita ni Joyce kaya naman muli akong sumulyap kay Joyce bago tuluyang umalis sa shop na 'yon. Now I need to face the d*vil. Habang nakasakay ako sa pinara kong taxi kanina ay hindi na kumalma pa ang dibdib ko. Patuloy ito sa mabilis na pagtibok, habang lumalapit ang taxi sa lugar kung saan nakatirik ang bahay na tinutuluyan ko ay siya ring pabilis nang pabilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, lalaki ako at dapat si Luna ang nakakaramdam ng ganito pero baliktad ang nangyayari sa amin. Ako ang lalaki pero ako ang takot sa babaeng nagpakasal sa akin. Tiningnan ko rin ang hawak kong cellphone, I know this brand, this is a limited edition. Mahal ang brand na 'to tapos itatago lang ni Luna sa bag ko. Ayos din ng trip niya, ha. "Pakigilid na lang po, Manong," sabi ko sa taxi driver nang matanaw ko na ang bahay namin. Hindi ko na pinasakto sa mismong gate namin ang taxi dahil baka mamaya ay may shot gun nang nakaabang sa akin, madamay pa 'tong si Manong driver. Pagkaabot ko ng bayad ay bumaba na ako sa kotse at nagsimulang magpaikot-ikot. Nanlalamig na ako. Malamig sa labas at nadagdagan pa ito ng kaba kaya mas lalo akong nanlalamig. Pinagdikit ko ang dalawang palad ko at t'yaka 'yon pinagkiskis upang uminit ito. "Lalaki ka, Kenan. Dapat si Luna ang takot sa'yo, tama." Napatango ako sa sinabi ko kaya naman nagsimula na akong maglakad papalapit sa bahay. Madilim na at ang ipinagtataka ko ay kung bakit walang kailaw-ilaw ang bahay namin na nakapagpadagdag ng kaba sa akin. Baka mamaya ay may bomba na itinanim si Luna sa bahay at bigla itong sasabog kapag nasa loob na ako. Umiling ako sa mga naiisip ko. Parang hindi naman gagawin 'yon ni Luna dahil kailangan niya pa ang semelya ko para magkaanak siya. Maingat ang bawat paghakbang ko, hindi ako gumawa ng ingay hanggang sa makarating ako sa mismong harap ng pinto ng bahay ko. Muli akong huminga ng malalim bago itaas ang kamay upang kumatok. "L-luna?" tawag ko at sinabayan ng katok. Nakasara ang pinto, hindi na ako nakapagdala ng susi dahil sa kakamadali ko kanina. Muli akong kumatok dahil walang nagbubukas ng pinto. "Luna?" tawag kong muli rito pero wala pa ring sumasagot kaya kahit na kabado ay nagsalita na ako. "I can explain that thing, Luna. Please, let me in. Maraming lamok," sabi ko pero wala akong naririnig na ingay o kahit na kaluskos. Gano'n ba kagalit si Luna at hindi na niya ako magawang papasukin sa sarili kong bahay. "Luna, are you really mad? Wala naman kaming ginagawang m-masama ni Joyce, she want a new dresses kaya ko siya sinamaban sa mall and that's all," wika ko, sinusubukan na makumbinsi si Luna upang papasukin na ako sa loob dahil malamok nga. Nangangati na ako. "Luna? Just open the door," utos ko rito pero matigas pa ata sa bato si Luna at talagang hindi niya ako pinagbubuksan. "Lun—" tatawagin ko pa lang sana siya pero napahawak ako sa door knob at napaawang ang aking mga labi nang mapihit ko ang door knob at nabuksan ko ang pinto. Ilang ulit akong pumikit at inulit ang pagbubukas sa pinto upang sigurduhin na bukas nga ito. "Bukas na pala?" tanong ko sa sarili bago mahiya. Kung may nakakita sa akin baka pinagtawanan na ako, lalo na kapag si Recco ang taong 'yon. Pagpasok ko ay madilim, sobrang dilim. Hindi pa naman dumarating ang bills ko kaya alam ko na hindi ako naputulan ng kuryente kaya naman lumapit ako sa switch sa may pader upang buksan ang ilaw at laking pasasalamag ko nang lumiwanag ang buong paligid ko. Bakit kaya nakapatay ng mga ilaw? Inilibot ko ang aking paningin at wala akong Luna na nakita. Where is she? "Luna?" tawag ko rito at nagsimulang malakad papalapit sa kusina, nagbabakasakali na makita ko siya na nakatayo sa may stove habang nagluluto pero wala akong nadatnan na tao ro'n. Tanging pagkain lang sa lamesa ang nakita ko. Medyo mainit pa ang mga ito kaya naman naisip ko na baka kakaluto lang ni Luna. Muli akong lumabas sa kusina at umakyat sa taas. Bago ako pumasok sa k'warto namin ni Luna ay lumunok muna ako. Baka mamaya ay nandito pala siya sa loob. "Lun—" Hindi ko na nagawa pang tapusin ang pagtawag ko kay Luna nang makita kong nakabukasa ang ilaw sa k'warto pero walang tao. Pumunta pa ako sa banyo upang tingnan kung nandon si Luna pero kahit na ang banyo ay nakabukas pero nakapatay ang ilaw. "Luna? Don't play around me, I told you, I can explain everything," sabi ko habang naglalakad na ulit pababa ng kusina. "Luna!?" Nilakasan ko na ang aking boses baka mamaya ay jino-joke time ako ni Luna pero tingin ko ay hindi uso kay Luna ang mga gano'ng bagay. Muli akong bumalik sa kusina. Wala si Luna. Umalis na kaya siya? Nanawa na ba siya sa akin? Malaya na ba ulit ako!? Kung gano'n ay napakasaya— pero paano kung naglayas si Luna dahil nalaman niyang may iba akong kasamang babae? Baka mamaya ay nagselos siya. "No, she's not that type of girl," bulong ko sa sarili ko at napatingin naman ako sa paanan ko nang may papel ang malaglag dito. Pinulot ko 'yon at agad kong nakilala ang hand writing nito. "It's Lunas's hand writing," sabi ko bago basahin ang nakasulat dito. "Uuwi muna ako sa bahay ko, nakapagluto na ako perk wala ka pa, kumain ka na riyan dahil wala namang lason ang mga 'yan. Babalik din ako sa Lunes," basa ko sa nakasulat sa papel. Kung gano'n ay wala talaga siya? Excited siyang pauwiin ako tapos siya naman pala 'tong wala sa bahay. Napailing na lang ako bago maupo sa upuan na nasa lamesa. May sarili naman pala siyang bahay bakit pa siya nakikisiksik sa akin? Baka nga mamaya ay mas malaki pa ang bahay niya kaysa ng sa akin. Huminga ako ng malalim. Safe ako. Walang Luna na nag-aabang sa akin. Akala ko kanina ay katapusan ko na. Kumuha ako ng pagkain at ilagay 'yon sa may plato ko bago magsimulang kumain. "Hmm," napapaungol na lang ako sa sarap. Tanggal ang pagod at takot ko. Pero san kaya ang bahay ni Luna? She said, she'll back on Monday. Ang ibig lang sabihin no'n ay dalawang araw siyang mawawala. Ano naman ang gagawin ko bukas? At sa susunod na bukas? Wala si Luna, wala akong kasama sa bahay ng buong weekends. Um-extra kaya ako? Para naman may pera ako at naalala ko nga pala na malapit na ang bayaran namin ng tuition sa eskwelahan amin kaya kailangan ko na naman ng pera. Kailangan ko ng seven thousand. May two thousand na ako, five thousand na lang. Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Luna na binayaran na niya ang pera na nahiram ko kay Aling Lourdes. Naalala ko, hindi ako nakapagpasalamat sa kaniya ng maayos. Nakakahiya. Kahit na sabihin niyang asawa ko siya ay nakakahiya pa rin. Kailangan kong bumawi kay Luna pero kailangan ko munang magtrabaho para sa tuition ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD