Hindi ko alam kung ano ang naging problema ni Drake dahil kahit na kaninang lunch break namin ay hindi siya kumikibo at tahimik lang na kumakain kahit na sila Recco at Yuhan ay maingay. Pakiramdam ko ay para bang sa akin siya may problema pero wala naman akong maisip na bagay na nagawa ko na p'wede niyang ikagalit o ikainis. Hanggang ngayon ay tahimik siya habang naglalakad na kami pauwi sa bahay namin ni Luna. Nakayuko lang siya habang tahimik na naglalakad. "Bukas ay hindi ka na p'wede sa eskwelahan namin dahil nakita mo naman siguro ang naging reaksyon ng mga professor namin," naiiling na wika ni Recco habang nakatingin kay Yuhan na kumakain ng ice cream. "Bakit? Ano bang ginawa niya?" tanong ko rito para kahit na saglit ay mawala muna sa isip ko ang nangyari kay Drake. "Na perfec

