LUNA's POV "And this one is a earrings na nakuha mismo sa storage room kung saan mismo nakatanim ang bomba." 'Ayos lang kaya siya?' I want to hug him, I miss him so much. Kahit na ilang oras pa lamg simula nang umalis kami sa Pilipinas, pakiramdam ko ay ilang araw na akong nangungulila kay Connor dahil miss na miss ko na siya. Ang maiinit niyang palad. Ang mga haplos niya na bumubuhay sa buong katawan ko. Mga ngiti niya na lumulusaw sa puso ko. At ang boses niya na sa tuwing naririnig ko para bang dinuduyan ako sa langit. May parte na sa akin na gustong-gusto ko nang bumalik sa Pilipinas para makasama na siyang muli pero may parte sa akin na ayaw ko munang makita siya dahil pakiramdam ko, sa tuwing nakikita ko siya, lagi kong naaalala ang nakita ko sa parking lot. At nasasaktan a

