“Everything is good?” tanong sa aking ni Tristan kaya naman nang magtama ang aming mga paningin ay tinanguan ko siya at gano’n din naman ang kaniyang ginawa kaya nang makapasok na kami sa loob ng kotse ay agad na niyang binuhay ang makina at pinaandar ang kotse patungo sa eskwelahan na aming pinapasukan. I need to go to school. Tama si Tristan. Bago ko ayusin ang sa amin ni Luna, kailangan ko munang ayusin ang gulo sa pagitan namin ni Joyce kaya bukod sa dahilan ko na kailangan kong pumasok sa eskwelahan upang magpatuloy sa pag-aaral, naging dahilan ko rin si Joyce upang makausap at maipaliwanag nang maayos sa kaniya na may asawa na ako at hindi ko kailangan ng isa pang babae para sa puso ko. Kay Luna palang ay swak na swak na ako, hindi ko na kakailanganin pa ang isa pang babae upang

