Tiningnan ko si Brain na nakatingin kay Luna habang may maliit na ngiti sa mga labi. Tila natutuwa sa nakikita. Hindi malabo na siya ang nagdala ng mga pagkain na 'to. Kaya kung makaasta siya ay 'kala mo kung sino. Baka nakakalimutan niya ang ginawa niya sa akin no'ng huli naming pagkikita. Kung isumbong ko siya kay Luna? Magagawa pa kaya niyang pumunta rito at ngumiti-ngiti? "Tss," napapairap na lang ako nang dahil sa mga naiisip ko. Ang yabang-yabang. Kapag sinumbong ko siya kay Luna baka umuwi siya ng maaga niyan. Hinawakan ko si Luna sa kaniyang baywang kaya saglit siyang napahinto sa pagkain upang tingnan ako. "Nand'yan ka na pala?" tanong nito sa akin na nakapagpalaglag ng aking panga. What the hell? Kanina pa ako rito tapos ngayon niya lang ako napansin? Hindi ba at ti

