“Luna, matulog ka na,” ani ko ka Luna na hanggang ngayon ay umiikot sa higaan kaya pati ako ay hindi makatulog dahil sa kalikutan niya. “May pasok pa ako bukas,” sabi kong muli na antok na antok na. Umikot ako paharap sa kaniya upang yakapin siya at patulugin. “I can’t sleep,” anito kaya hinagod ko ang kaniyang likod. Simula kaninang pag-akyat namin dito ay hindi na siya nakatulog kaya hindi na rin ako nakababa kanina para kumain dahil si Luna ay ayaw akong umalis sa tabi niya kaya ang ending matutulog na naman ako nang hindi kumakain. Ipinagpatuloy ko ang paghagod sa kaniyang likod habang nakapikit dahil antok na antok na ako pero hindi ko magawang matulog nang dahil kay Luna. Muling umikot si Luna kaya idinilat ko na ang aking mata upang tingnan siya at nakita ko na nakapikit na rin

