“Bakit nandito rin kayo?” tanong ko kila Recco nang maabutan ko sila sa kusina habang nagkakainan. Tanghali na at oras na para kumain ng tanghalian, tinawag kami kanina ni Kenjie para kumain kaya bumaba na kami rito sa dining area. Nagulat naman ako nang madatnan ko rito sila Recco dahil sa pagkakatanda ko ay nakabihis na sila kanina ng uniporme at handa nang pumasok sa eskwelahan. “Malamang Kenan nasa iisang bahay lang tayo nakatira,” pamimilosopo sa akin ni Recco habang kumakain. Nakita ko naman si Luna na naglakad palapit sa isang upuan kaya inalalayan ko siya hanggang sa makaupo siya. “Ang ibig kong sabiin, bakit nandito kayo? Hindi ba dapat ay nasa eskwelahan na kayo dahil ang akala ko ay papasok kayo?” tanong ko rito at saglit naman na tumigil sa pagkain niya si Recco para harap

