Ilang minuto na ang nakalilipas nang umalis sila Luna at iwan kaming dalawa ni Drake rito pero hindi pa rin kami nakakapag-usap. Gusto ko na sanang maunang magsalita pero hindi ko alam kung saan at paano magsisimula. Hindi ko alam kung manghihingi ba ako ng ‘sorry’ sa kaniya o magtatanong ulit. Kung tutuusin ay pagkakataon ko na ‘to para makausap siya ng one on one, nang mailabas niya ang lahat ng hinanakit niya sa akin. “Uhm.. Drake?” tawag ko rito at hindi naman niya ako nilingon pero kahit na gano’n ay nagsimula na akong magsalita. “Hindi ko alam kung saan magsisimula pero p’wede bang kahit isang araw lang ay magkaayos tayo? Para lang kay Kenjie at sa anak niya," sabi ko rito at wala na akong pakialam kung maagmukhang nagmamakaawa na ko sa kaniya. Para kila Kenjie at sa anak niya a

