"Ibalik niyo ako sa campus," utos ko kila Recco pero tiningnan lang nila ako at hindi kumibo. Makailang ulit na ako napapabuntong-hining dahil sa ginawang pag-ditch ng klase ng mga kasama ko at ngayon ay talagang pinagkasya nila kami rito sa loob ng isang tricycle. Si Recco ay nasa tool box, ako at si Drake naman ay nakaupo sa upuan habang nakayuko dahil sa baba ng bubong ng tricycle. Talagang sinigurado nilang hindi ako makakatakas sa kanila kanina. "Manong pahinto p— aray!" napasigaw ako nang biglang kurutin ni Recco ang hita ko. "Manahimik ka!" naninindak na wika ni Recco habang pinanlalakihan ako ng mata. "Tumawag kanina si Luna at sinabi na may pupuntahan tayo ngayon," sabi ni Recco at kumapit sa bakal na katabi niya dahil nalalaglag siya kinauupuan niya. "Saan naman daw tayo p

