Nakatulala ako habang naglalakad kami nila Recco papunta sa eskwelahan namin at syempre tulad no'ng dati ay ako na naman ang nagdadala ng mga bag nila. Iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag ang lahat-lahat kay Joyce dahil kahapon ay mas minabuti na lang niyang umuwi na lang dahil parang hindi niya raw maintindihan ang mga nangyayari sa paligid niya. Sigurado ako na nasaktan siya sa nangyari at nalaman niya kahapon. "Alam mo, Kenan. Dapat ay matuto ka nang dumistansya sa mga taong malalapit sa'yo na 'p'wedeng' maging dahilan nang pag-aaway niyo ni Luna," ani Recco habang may nilalapang na mansanas. 'Tao na p'wede naming pag-awayan ni Luna?' Si Joyce lang naman ang babaemg malapit sa akin at wala nang iba. Si Cheska naman ay sadyang humahanga ako sa kagandahang taglay niya at alam ko n

