"Mag-asawa kayo!? It's that real, Kenan!?" tanong ni Joyce habang napapahawak sa kaniyang ulo na animo'y hindi makapaniwala sa nalaman niya. Pahamak din si Recco! "Huh? Bakit nandito ang best friend mo, Kenan?" tanong naman ni Recco habang nakaturo kay Joyce. Hindi nila napansin si Joyce kanina na nandito. "Hayst, let's end this sh*t," ani Luna bago bumitaw sa akin at maupo sa sofa na nasa likod namin. "Ano pang silbe nang pagtanggi kung huling-huli naman na." Napalunok naman ako dahil sa sinabi ni Luna. Muli akong tumingin kay Joyce at nakita ko siyang nakatingin sa akin at ang mga mata niya ay nagtatanong. Gusto ko syang lapitan at tanungin kung ano ang nararamdaman niya pero hindi na ako makagalaw pa sa kinatatayuan ko. Alam ko namalaking tanong kay Joyce ang narinig niya mula k

