Nakadapa ako sa sofa pero hindi ako natutulog, wala na kasi akong magawa. Dalawang araw na akong nakatambay sa bahay dahil hindi ako pinayagan ni Luna na pumasok sa eskwelahan dahil baka raw mamaya ay sumakit na naman ang ulo ko at mahimatay na naman. Mag-relax daw muna ako pero dalawang araw na akong nakatanga sa bahay at pakiramdam ko ay mas nai-stress lang ako rito sa bahay. At sa dalawang araw kong pagtambay sa bahay ay hindi kami masyadong nagkakausap ni Luna dahil iwas na naman ako sa kaniya. Kung iwas na ako sa kaniya dati pa ngayon ay ibahin niyo, mas iwas ako kay Luna, kahit na magtatama pa lang ang mga paningin namin ay umiiwas na ako ng tingin sa kaniya dahil sa tuwing nakikita ko ang mata niya ay naaalala ko ang paghalik na ginawa ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong uri

