PAGE 96

1042 Words

Pagkagising ko pa lang kaninang umaga nang bumaba ako ay nagulat na lang ako nang bigla na lang ako hilahin nila Drake paalis sa bahay. "Saan ba tayo pupunta? Hindi pa ko kumakain," reklamo ko habang nagkakamot ng ulo rito sa back seat. "Nakalimutan mo na?" tanong sa akin ni Recco na para bang natutuwa siya na hindi mapaliwanag kaya napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. "Ang alin?" takang tanong ko rito, hindi ko alam ang sinasabi niya. Balak ko lang sana kaninang kumain sa kusina nang makasalubong ko sila sa sala at bigla na lang nila akong hilahin palabas ng bahay at isakay sa kotse. Napailing na lang ako. Parang naulit ang eksena namin no'n sa tapat ng eskwelahan kung saan mapayapa akong naghihintay ng masasakyan ng jeep nang bigla silang huminto sa harap ko at do'n ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD