"T*ngina, si Baste," bulong ni Recco habang unti-unting humaharang sa harap ko na para bang hinaharang niya ang kaniyang sarili sa lalaking tinawag niyang Baste na ngayon ay papalapit na sa amin nang papalapit. "Akala ko ay nawalan na ng malay ang isang 'yan, Recco?" kunot noong tanong ni Drake sa kasama niya. "Put*ngina, Recco," bulong nito. Napalunok ako nang makita kong unti-unting umaatras si Recco. "Tara na," anito bago humarap sa akin at hawakan ako sa balikat upang itulak ako at patakbuhin. Tiningnan ko pang muli ang tinutukoy nilang si Baste. Nakita ko na nakatitig ito sa amin habang hawak pa rin ang kutsilyo kaya unti-unti na rin akong napaatras. "Kenan! Tara na!" sigaw ni Drake kaya naman sumunod na ako sa kanila lalo na nang makita kong tumatakbo na rin papalapit si Baste

