KENAN's POV Maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat ang araw ay dilat na ang mga mata ko at nakatitig sa kisame habang iniisip ang magiging exam namin. An exit exam. This is our final exam and after that, makakahinga na kami nang maluwang. This is our final week. Pagkatapos no'n ay hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Third year na ako, next year ay fourth year na ako at graduating na. 'Paano ko pag-aaralin ang sarili ko? Ayaw ko nang umasa kay Luna, sa pera niya.' Napabuntonghininga ako bago buksan ang shower upang mabasa ang buong katawan ko at tulayan nang magising. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ngayon ng kaba. Hindi ko alam kung sa exam ba ako kinakabahan o sa bagay na nasa isip ko. Nanaginip na naman ako last night. Bl*ody nightmare. Parang may pahiwatig. May

