KENAN's POV Nagising ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng aking braso ko kaya idinilat ko ang aking mga mata upang tingnan kung ano ba ang mayro'n do'n at natigilan ako nang makita ko si Luna na nakaunan sa braso ko habang nakasampa sa akin ang hita at braso niya na parang nakayakap. 'Anong ginagawa niya rito?' Tanong ko sa aking sarili dahil sa pagkakatanda ko ay sa kama siya natulog at ako sa sofa. Napailing na lang ako bago umikot at yakapin siya pabalik dahil konti na lang ay malalaglag na ang kaniyang katawan. Hindi naman kasi halatang ipinagsiksikan niya ang kaniyang sarili sa tabi ko. Hindi ko naman alam kung ano ang problema niya at bigla-bigla na lang siyang nagsungit nang gano'n. Kaninang pagpasok namin sa k'warto namin ay pinalayo niya ako sa kaniya dahil ayaw niya r

