PAGE 57

2987 Words

Tumatagilid ang ulo ko habang pinapanood si Luna na lantakan ang dragon fruit na binili ko sa kaniya. Sarap na sarap siya at parang gutom na gutom siya dahil napapapikit pa siya habang kumakain nang mabilis. Buti na lang talaga at naiuwi ko ang prutas na 'yon dahil kung hindi ay baka pinagulong na ako ni Luna pabalik sa bayan. Napapabuntong-hininga na lang ako kapag naaalala ko ang bagay na nangyari kanina sa palengke. Kung hindi pa siguro ako nadaanan nila Kenjie ay baka hindi na ako sikatan ng araw mamaya. Naiwan ko ang wallet ko kaya wala akong kapera-pera kanina. Ang akala ko ay uuwi ako na kabado pero laking pasasalamat ko na lang no'ng madaan sila Recco sa bayan at saktong nakita nila ako kaya higit pa sa apat na kilo ng dragon fruit ang naiuwi ko kay Luna na ipinagpapasalamat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD