"Baka kapag nakauwi na si Luna ay kami naman ang pumalit sa kaniya sa hospital," naiiling na wika ni Recco habang nakatingin sa mukha ko. Hindi pa kasi natatanggal ang benda sa ulo ko ay panibago na naman akong pasa na natamo dahil sa nangyari sa amin kahapon ni Drake. "Kapag nakita ni Luna ang hitsura mo siguradong sa hospital ang bagsak namin," ani Tristan na naiiling din habang nakatingin sa akin. Napapabuntong-hininga na lang ako. Hindi naman nila kasalanan ang bagay na 'to. Kasalanan ko 'to dahil sobra kasi ang tigas ng ulo ko kaya nakakakuha ako ng ganitong klaseng sugat at pasa. Ngayong araw ay hindi na sumabay pa sa amin si Drake sa pagpasok namin sa eskwelahan. Hindi na namin siya nakita. Simula nang nangyari kahapon ay hindi na siya lumitaw pang muli. Ang sabi nila Recco

