"R-recco—" Hindi ko na naituloy pa ang pagtatangka kong pagtawag sa lalaki nang kusa na ako nitong lagpasan at dumiretso sa kusina upang punatahan si Kenjie ro'n na nagluluto na ng pagkain namin para sa gabi na ito. Hindi ko alam kung galit din ba si Recco sa akin dahil simula no'ng nagyari sa amin ni Drake ay para bang naging ilag din sa akin si Recco, hindi ko naman masabi na galit siya sa akin dahil kahit na papaano ay nakakausap ko siya nang matino. Napapabuntong-hininga na lang ako dahil sa ikinikilos niya. Gusto ko lang naman siyang kausapin tungkol sa nangyari sa amin no'ng nakaraan habang pauwi kami ng bahay. Gusto kong humingi ng pasensya sa kaniya dahil nang dahil sa akin ay nagkasagutan sila ni Drake at nag-away pero mukhang alam ni Recco ang dahilan kung bakit ko siya nilal

