"Luna…" tawag sa akin ni Kenan nang makita niya kami nila Drake na palabas sa gate kaya napahinto kami sa paglalakad para tingnan siya. "Saan kayo pupunta?" tanong nito bago maglakad palapit sa amin. "Sa apartment, kukunin ko lang ang mga damit ko," sagot ko rito. Isa rin naman sa rason ko ang bagay na 'yon pero nang dahil talaga kay Rosette kaya ako pupunta at babalik sa apartment. Pupungay-pungay naman ang mga mata niya nang sulyapan niya ang mga kasama ko na nasa likod ko. Halatang kagagasing lang galing sa pagtulog. "Sasama ako—" "No," agad na sagot ko na nakapagpatigil sa kaniya sa pagsasalita. Makailang beses pa siyang pumikit-pikit upang umayos ang mga mata niya. Hindi p'wedeng sumama si Kenan lalo na at sigurado ako na pupunta sila Rosette sa bahay namin ni Kenan. Desperad

