Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman ko na nakahinto na ang sasakyan namin. Nang makadilat na ako, hindi ko na nakita ang mga kasama ko kaya bigla akong naalerto at napatingin sa labas ng kotse sa pag-aakala ko na may nangyayari nang hindi maganda pero nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko sila Recco at Drake na nasa labas habang naninigarilyo at halatang nagbabantay sa paligid. Huminga muna ako nang malalim bago ayusin ang sarili at bumaba upang puntahan silang dalawa. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng kotse ay agad na silang napatingin sa akin at agad nilang hinagis sa baba at tinapakan ang sigarilyo na hinihithit nila upang pat*yin ang usok nito na p'wede kong masinghot. "Gising ka na pala," salubong sa akin ni Recco kaya tinanguan ko siya bago dumiretso

