Jelhien POV
"Umamin ka sa akin Jelhien, ikaw ba ay may gusto kay Nathan? Hindi bat pinayuhan na kita na di sya tulad natin? Hindi mo sya kilala" sermon saken ni Papa
"Wala lang naman yun Pa, nagkita lang kame sa bayan dahil bibili ako ng libro" pagdadahilan ko. Sa buong buhay ko ay ngayon lang akong nagsinungaling sa magulang ko at maski ako ay di ko maintindihan bakit ganon.
"Nasaan ang librong binili mo kung ganon"
Di ako nakakibo. Di pa kame nakadaan sa bookstore kaya naman wala akong dala.
"Pa malaki na ako. Wag mo na kong diktahan kung ano ba ang dapat ko gawin sa buhay ko" malumanay kong sagot. Nilingon ko si mama at tahimik lang sya. Lagi syang ganyan sa tuwing pinapagalitan ako ni Papa ay di sya umiimik yayakapin nya lang ako pagkatapos ng sermon.
"Hindi ko sinasabing bata ka pa. Ayun nga ang mas mahirap. Malaki ka na at may sariling desisyon, malaki ka na at nag uumpisa ka ng sumuway sa payo masunod lang ang bugso ng damdamin mo. Ayaw kong tahakin mo ang daan na sisira sa kinabukasan mo" matigas ang tono na sagot ni Papa
"Lin, pagsabihan mo yang anak mo. Kahit ngayon lang ay magkaroon ka naman ng papel bilang ina" sermon rin ni Papa kay Mama.
Palaging ganon. Sisisihin ni Papa si Mama dahil sa maling ginawa ko. Hindi iimik si Mama at yayakap lang saken habang pareho kaming umiiyak, kahit nung ako ay maliit pa ay ganyan na sya. Gusto ko man tanungin kung bakit nahihiya ako. Niyakap ako ni Mama ng makaalis na si Papa, tulad ng dati ay iiyak din sya.
"Lagi mong susundin ang puso mo. Kung sa tingin mo ay ayun ang nagpapasaya sayo sundin mo. Kung sa tingin mo ay mali pero dun ka masaya lagi mong tanungin ang sarili mo kung kaya mo ba panindigan ang gagawin mo, timbangin mo ang kaya mong gawin para sa gusto mo. Wag ka na gumaya saken anak" sa kauna unahang pagkakataon ay nagpayo si Mama saken habang himas himas ang buhok ko.
Di ko maintindihan kung bakit kailangan kong sumuway kay Papa para kay Nathan. Totoo bang may nararamdaman ako sakanya? Marahil nga, pero tama ba to?
Nathan POV
I can't stop walking back and forth in front of my rented house. I know that Jel is in trouble right now. As long as I want to talk to her father, I want to talk to her first. This is my 1st time to deal with this kind of situation and I don't know if I can handle this right. I admit now that I have feelings for her, I confirmed it after our 1st date or is it called date? Her smile makes me stop, the sound of her laughter makes my heart flutter, when she looks at me my heart touched. This is weird feelings for me.
My decision is final, I can't just stay still and let her handle our problem. I'll talk to her parents and confess my feelings for their daughter.
On my way I saw her father, my mind is having doubt if I'll talk to her first or to Jel, I sigh and decide that I will go to their house first to talk to her. I knock and no one's answering. Their house is quite big and obviously look like ancestral house. I knock again and saw her mother smiling at me.
"Pasok ka iho, anong sadya mo? Gusto mo ba makausap si Jelhien? Nasa taas sya at nagbabasa. Pumanik ka na lang at dadalhan ko kayo ng maiinom"
Tumango lang ako at ngumiti. Ang bait naman ng magiging mother in law ko. Natawa ako sa naisip ko, talagang nakapagbiro ako sa gantong sitwasyon. Nakita ko syang nakasalampak sa sahig habang nakatungo. From this view I know that she's hurt. Lumapit ako at tinapik ko sya. Di sya kumibo sa tingin ko ay tulog sya. Umupo ako at nilibot ang tingin sa bahay. May mga litrato, tumayo ako at tiningnan isa isa. Nakakatuwa may mga litratong kuha bawat event ng buhay nya. Binyag, Graduation, kumpisal, Recognition, Buwan ng wika at kung ano ano pa.
"Anong ginagawa mo dito?" Nabigla ako ng bigla syang nagsalita di ko namalayan na gising na pala sya. Napapahiya akong bumalik sa sofa.
"A e wala naman. Gusto kita makausap"
"Anong oras na, maya maya lang ay darating na si Papa. Pwede naman ipagpabukas, gabi na rin"
"Ngayon na, gusto kita kausapin sa harap ng magulang mo. Alam kong pinagalitan ka dahil sa akin"
"Okay lang yun. Sige na umuwi ka na baka maabutan ka pa ni Papa"
Alam kong pinapauwi nya lang ako para lalong di sya mapagalitan. Sa tingin ko ay tama na humarap ako at matapos na ang problema. Wala naman akong masamang intensyon.
"Sige na umuwi ka na please, mainit pa ang ulo ni Papa at siguradong pagagalitan ka din nun" pagpipilit nya pa
"Hindi ako uuwi. Tama lang na humarap ako sa magulang mo wala naman akong masamang intensyon sayo" may paninindigan kong sabi
"Ano ka ba. Nagkakamali lang si Papa, wag mo na dagdagan ang pagdududa nya please lang"
"Anong mali? Tama ang papa mo. Alam kong ayaw nya saken dahil pinagdududahan nya ang intensyon ko right? Hindi ako taga dito at di nya ko kilala"
"Hindi naman, akala nya kase ano e ano" di nya matuloy na sabi
"Ano? Wala ako naintindihan"
"Akala nya may relasyon tayo" mabilis nyang sabi sabay iwas ng tingin.
"Wala ba? Akala ko meron kang gusto saken? Nagtapat ka pa nga diba?" pag maang maangan ko, nang aasar ko syang tiningnan.
"Ang kapal ng muka" nakangiti nyang sabi
"Makapal nga ang muka kong humarap pero sasabihin ko sa harap ng magulang mo ang nararamdaman ko. Tama ang pagdududa ng papa mo may gusto nga ako sayo"
"Anong gusto gusto?!!!" malakas na tanong ni Mang Ricardo
"Mang Ricardo, magandang gabi"
Kinakabahan man ay lakas loob akong humarap sa magulang ni Jelhien. Kasunod ng Papa nya ang Mama nya at nakangiting tumango ito sa akin kaya naman nabawasan rin ang kaba sa dibdib ko.
"Gusto ko pong humarap sa inyo bilang isang tunay na lalaki. Tama po ang rinig nyo may gusto ako sa anak nyo at gusto kong humingi ng permiso para maligawan sya"
"Uy ano ka ba, wag ka naman mangtrip ng ganto" bulong saken ni Jelhien
"Di ako nangttrip. Alam kong biglaan pero sigurado ako sa nararamdaman ko"
Hindi naging maganda ang ihip ng hangin sa hapag kainan. Masama ang tingin samin ni Mang Ricardo, tahimik lang at walang umiimik. Pagkatapos kong sabihin na gusto kong mangligaw ay di na sumagot si Mang Ricardo at nag aya na lang na kumain ng hapunan. Niyaya naman ako ng mama nya kaya eto ako ngayon kumakain ng dahon dahon parang kambing lang ang ulam dito sa probinsya.
Hindi ko alam anong sagot o iniisip ni Mang Ricardo pero lakas loob kong haharapin ano man ang mangyari. I believe that I'm old enough to fall inlove, I am a man to put my words into action. I am taking a peek at the girl on my side, she's busy stirring her rice and viand
"Parang kaning baboy naman yang pagkain mo" bulong ko
"Chowfan yan ano ka ba" bulong nya pabalik natawa naman ako, bumagsak ang kutsara na kinabigla ko, lumingon ako at tumayo na sa hapag kainan si Mang Ricardo.
Mahirap pala amuin ang tatay
Dumaan ang ilang araw pa at unti unti ay nagiging maayos ang relasyon namin ni Jel. I call her Ming because she love cats and she call me Chu because we always argue like cat and dog. Despite of our opinion and belief I must say we are happy. Our differences makes us stronger as a person. Nililigawan ko sya tulad ng sabi ko sa Papa nya pero talagang hindi ako kinikibo ni Mang Ricardo. Patuloy pa rin akong nagttrabaho sa farm kahit pa di nya ko pinapansin. I feel guilty coz here I am, saying that I am a man but no guts to tell them who I really am.