Question and Answer

1576 Words
Nathan POV I feel at ease since I got here in Palawan. Nang makatakas ako sa sakim na buhay na kinauudlukan ko kahit mahirap ay parang ayaw ko na bumalik. I just want to stay here forever if life permits me. "For every breath, with all my soul, I give my world , I give it all Put your faith in me and I'll do anythinggggg ♩" Maaga akong pumunta sa farm para ayusin ang  mga kopra na dadalhin sa buyer sa bayan. Naabutan ko si Jelhien don na inaayos din ang mga kopra habang may headset at kumakanta. Sandali kong tinitigan ang muka nya. Para akong minamagnet at di maalis ang tingin ko sa muka nya. Ganto pala pag may crush ka? Kaya naman pala panay hampasan ng mga kaklase kong babae noon pagdadaan ang crush nila. Natawa ako sa isip ko para naman akong teenager neto. Pumunta ako sa tabi nya at tinulungan sya. Nakakailang. Katabi mo nga di ka naman kinakausap. Katabi mo nga di mo naman maramdaman. Kumakabog tuloy ang dibdib ko sa presensya nya. Kinalabit ko sya "Uy nandito ako libre akong kausapin" She just roll her eyes at me. Damn she looks like a wild cat when she roll her eyes. "Dali na kausapin mo na kooooooooo" pagpupumilit ko habang hinihila ang sakong hawak nya. "Ano ba. Wag ka nga maglalalapit saken baka paghinalaan na naman ako ni Papa. Ayaw kong mag isip sya ng iba." "E wala naman akong ginagawa sayo kaya naman di nya kailangan mag isip" "Basta di mo naman alam pano mag isip si Papa" "Saan ka nga pala nag aral? Anong course mo?" "Sa PUP ako nag aral sa may Sta. Mesa Manila, BS Accountancy" "Wow talino, sana tinatanong mo din ako pabalik no? Ganon yon Jelly kapag tinanong ka tanungin mo din ako that's how you start a conversation" "Wala naman kase akong pake sayo kaya di kita tinatanong" Ouch that hurts napakamaldita naman nito "Grabe. Sasabihin ko na lang kahit di mo tanungin. Agriculture ang course ko pero undergrad. Nagtake din ako ng business Ad sa Southville." "Okay!" What the!! Sungit. Di naman kagandahan napakasungit ng probinsyanang to. "Mag open ka naman ng topic" inis na singhal ko sa kanya "Bat ka ba nandito ? Halata namang may kaya ka sa buhay at mukang di mo naman yata kailangan ng trabaho. Di ka naman siguro wanted ano? O baka naman nagtatagong druglord ka? " I laughed in her question. I'm not ready to tell the story behind my stay here but looking at her face it looks like she's not comfortable talking to me because of my identity "Hmm that's a confidential side of my life. I didn't want to disclose it but since you want to enter in that part of my life I will tell you, in one condition" "Sabihin mo na lang dami netong commercial e" "So payag ko sa condition ko?" "Anong condition ba?" "Hmm this" And I kiss her in her lips Its just a smack kiss but it feels like my whole body tremble, my heart beats fast and I dont know how to explain this pero eto ata yung kilig na tinatawag "Ughhhhh. Nakakainis ka manyak ka. May gusto ka ba saken?" "A e. I don't know. Di ko alam kung gusto na ba tong nararamdaman ko? Di mo naman kase ako pinapansin. Di mo man lang ako tingnan kahit nagpapansin na ko. Wala kang paki saken. Di mo ba ko type?" inis ng sigaw ko sakanya. Nakakabadtrip naman kase akala mo sya na pinakamaganda kung makapagtaray. Akala nya ba hahabulin ko sya? No way. Pag eto walang gusto saken bahala sya sinasayang nya ang pagkakataon. Eto ang unang nagtapat ako sa babae at akala ko ay masarap sa pakiramdam magtapat ng nararamdaman pero di ko alam bat sobrang pagkayamot ang nararamdaman ko ngayon. Nakasimangot akong nagddampot ng kopra. Di man lang sumagot saken walang puso ang babaeng to. "Sagutin mo na yung tanong ko? Bakit ka nandito at anong pagkatao mo?" "What the f*ck? Ayan lang sasabihin mo? What about my confession?" "Sanay na kong may magtapat saken. Alam mo maganda kase ako kaya ganyan ka lilipas din yan pag may nakita kang mas maganda kaya naman tantanan mo ko. Alam kong ako lang kase nakikita mong maganda dito" she said while smirking Nakakainis mali siguro yung ginawa ko. Crush ko lang naman sya may gusto na din ba yun? "Ang sakit naman. I am online trader aside from that wala naman ibang pagkakagastusan si mother ko kundi ako kaya talagang pinapadalhan nya ko. Hindi naman sa walang direksyon buhay ko I just want to breath freely here. Hindi naman sa tumatakas ako sa buhay ko nagpapahinga lang ako. Pwede naman siguro yung ganon diba? May pangarap ako. Kung di mo ko naiintindihan okay lang pero wag mo ko husgahan kase ganto pala kasakit husgahan, di man ako sigurado ano nararamdaman ko sayo pero alam kong meron akong nararamdaman at marinig yung ganon sayo ay parang nanliliit ako na di ako type mo" I walk away from her. Tumitibok sa sakit ang puso ko. I breath heavily. Jelhien POV Sinundan ko sya ng tingin. Sumobra yata ako sa sinabi ko. Di na ko makapag focus sa ginagawa ko kaya naman tumayo ako at sinundan sya. Ang bilis naman maglakad non. Di ko na sya sinundan at bumalik na lang ako sa ginagawa ko. Ngunit talagang di mawala sa isip ko yung muka nyang seryoso at halatang nasaktan sya sa sinabi ko. Di bale, magssorry na lang ako pagbalik nya.  Dumaan ang maghapon at di na sya bumalik sa taniman. Nahihiya naman ako ipagtanong kung saan sya nakatira  Hindi ko naman intensyon ang saktan sya, pilit ko lang talaga tinatagan ang sarili ko kanina dahil sa pag amin nya. Aaminin kong iba naging impact saken nung sinabi nya. Parang may malamig ma tubig ang bumuhos saken ng nagconfess sya. Hindi ko alam ano bang dapat ko isagot sa pagtatapat nya, magagalit si Papa kapag nalaman nya yun, ayaw ko rin bigyan ng malisya ang sinabi nya. Ang mga tulad nya ay sanay sa laro ng pag ibig. Ngunit ang tulad kong probinsyana? Malamang pag naniwala ako ay tatawanan nya ako at sasaktan sa huli. Saglit pa lamang kami nagkakilala kaya naman imposibleng nahulog kaagad sya saken.  Pilit kong pinagtatakpan ang kilig ng pag amin nya saken. Ayaw ko mahulog at ayaw ko magmukang mahina na agad naniniwala sa pag ibig. Tama, pinagttripan lang ako nun. Umuwi na ko sa bahay at agad yumakap kay Mama. Ang yakap ni Mama ang nagpapagaan ng pakiramdam ko sa tuwing napanghihinaan ako ng loob or kapag may problema akong di ko makwento. Yinakap ako pabalik ni Mama, di man ako magkwento ay parang nauunawaan nya na may dinadamdam ako.  Kinabukasan ay nakita ko si Nathan may kausap sa cellphone.  "Yes Billy, just cover up for me for a while. Okay I'll check it later, mahina ang signal dito at sa bayan lang din may internet connection. Around 10am same place"  "Sino kausap mo?" tanong ko pagkababa nya ng cellphone nya "Bat mo tinatanong ang taong walang direksyon sa buhay?" walang kagana ganang sagot nya "Okay sorry na. Di ko naman intensyon saktan ka." kibit balikat lang ang sinagot nya saken "Sorry naaaaaaa" pagpapacute kong sabi "You look like a puppy, yung bulldog" hinampas ko sya sa braso "Uyy dumampi yung palad mo sa braso ko, nakakakilig ba?" "Haha di ka na galit saken?" tanong ko habang nakangiti. Palagay na ang loob ko at alam kong okay na kame "Ang ganda mo lalo pag nakangiti" nakangiti nyang sagot saken. Nakakailang kaya naman nag iwas ako ng tingin at di na sumagot "Gusto mo ba ko samahan sa bayan mamayang 10am? May kailangan lang ako icheck sa email ko. Kain tayo at pumunta sa palaisdaan." aya nya saken ng di na ko umimik.  "Okay" sagot ko wala rin naman ako gagawin at namiss ko na rin sa bayan  Umuwi ako ng bahay at di mapakali kung ano bang dapat ko isuot. Magdress kaya ako? Magmmuka namang nagpapaganda ako. Pag nagpants naman ako ang init at halata ring nakapang alis ako. Hayy nakakafrustrate naman to. Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin at itatapat ang damit saken kung bagay ba. Napalingon ako at nakatayo si Mama sa pinto nakangiti.  "Saan punta mo anak?" di man nagtatanong si Mama ang muka nya ay naghihinala "May bibilin lang ako sa bayan Ma, bibili akong libro para sa review." pagdadahilan ko. ayaw kong sabihin na kasama ko si Nathan dahil tiyak na makakarating yun kay Papa "Dati naman ay nakakapunta ka don ng kahit ano ang suot" nakangiti pa rin nyang tanong.  "Trip ko lang Ma mag ayos, ligo na muna ako Ma" sabay tayo ko para umiwas sa usapan.  --- "Eto ang atinf 1st date" malaki ang ngiti ang bungad sakin ni Nathan "Date your face, may bibilin din kase ako"  "Tara doon tayo sa kainan ng mga silog, masarap doon kapag pumupunta ako rito kumakain ako dun palagi" aya nya Masaya kaming nagkkwentuhan habang kumakain. Aaminin kong masaya sya kausap at di nakakaboring kasama dahil lahat ng makikita nya ay may masasabi sya. Natatawa na lang ako sa mga sinasabi nya. Sya yung lalaking masungit tingnan pero napakadaldal. Habang nakaupo kame sa park ay napalingon ako sa kaliwa ko at sa di kalayuan ay nakita kong nakatingin samin si Papa. Napatayo ako.  "Papa" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD