Office Tsismis

1931 Words
Jelhien POV Nagising ako sa init ng kamay na mahigpit na nakahawak sa akin. Dahan dahan kong minulat ang mata ko, ano bang ginawa ko at parang pagod na pagod ako. Nilingon ko ang lalaking nakahilig sa akin, dahan dahan kong hinawakan ang buhok nyang nakatakip sa muka nya. "Ming, ano nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Gusto mo bang iterminate natin nang away sayo?" Tumingin ako sa oras at hapon na, inalala ko ang nangyari at napatingin ako kay Nathan. "Ano nangyari kay Tin? Pano pala ako napunta sa office mo?" "Psss sa susunod ay lumaban ka, bakit di ka man lang lumaban sa nang aaway sayo?" Nakakunot ang noo nya at halatang galit. "Nahihilo ako e, saka di ko rin alam dapat ko sabihin, alam ko kasing patay na patay kay Billy yun" Tumayo na ko at babalik na sana sa desk ko, malamang ay magdududa na sila sa amin ni Nathan. "Magpahinga ka na lang muna dyan, wag ka na bumalik sa desk mo, antayin mo na lang ako dito may meeting lang ako saglit" Tumayo si Nathan at sinuot ang coat nyang nakasampay malapit sa desk nya, dati ay isip bata pa ang asawa ko ngayon ay mature na mature na sya tingnan.  Hinimas ko ang ulo ko, masakit pa rin ang anit ko sa pagkakasabunot sa akin, sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng kaaway, at ramdam ko pa rin ang pagkapahiya kanina kaya naman parang ayaw ko rin bumalik sa desk ko. "Masakit ba?" Tanong ni Nathan na nakalapit na pala sa akin, hinimas himas nya rin ang ulo ko. "Ano nga palang nangyari kanina? Dumating ka ba? Anong sinabi mo tungkol sa atin? " Sunod sunod kong tanong, ayaw ko sanang malaman nilang mag asawa kami, ayaw ko ng maraming sinasabi sa akin ang mga tao, ayaw ko rin na magkaroon ng special treatment. "Wala, hinila lang ako ni Billy sa department nyo tapos ay umawat lang ako, my meeting lang ako, antayin mo ko dito at sabay na tayong umuwi" Dali dali syang umalis bitbit ang laptop nya at cellphone. Nang maiwan ako mag isa ay humiga muli ako, tamad na tamad ang pakiramdam ko, hinihila ako ng antok sa lamig ng aircon dito. Pumikit ako at tuluyan ng hinila ng antok ang buo kong pagkatao. Naalimpungatan ako, bumalik na pala si Nathan at sinusuklay nya ng mga daliri nya ang buhok ko. "Anong oras na ba?" Parang hinihila na naman ako ng antok sa ginagawa ni Nathan. "Ming, 5pm na uwian na" Napabalikwas ako, halos maghapon na akong natutulog, parang binabawi ng katawan ko lahat ng puyat na ginawa ko aa nagdaang taon. "Hala nasa desk ko pa ang gamit ko, teka lang kukunin ko muna, antayin mo na lang ako sa parking lot Chu" "No need, pinakuha ko na, sabay na tayong umuwi, may sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo? Parang pagod na pagod ka, bukas ay wag ka na pumasok magpacheck up ka na lang" Hinipo nya ang noo at leeg ko, hinipo ko rin at normal lang naman ang temperature ko, di naman masama ang pakiramdam ko. "Puyat lang siguro to, nagturo ako online kagabi diba?" "Tigilan mo na kase ang pagtuturo sa gabi, kung nag iipon ka ng pera pang enroll sa review center, ako na ang magbbayad, sabihin mo lang sa akin kailangan mo Ming" Di na ko umimik, nakasanayan ko na kase magturo online bago matulog, ayaw ko ring iasa lahat kay Nathan ang kailangan ko. Sa tuwing uuwi kami ay palaging si Nathan ang sinasalubong ng mga bata, sa tingin ko ay mas gusto na nila si Nathan kesa sa akin. Si Mama naman ay busy na naman kakanood ng drama sa tv. "Nathan iho, nakapagluto na ko, kakain na ba kayo?" Tanong ni Mama kay Nathan na nakikipaglaro na sa mga bata kahit pa nakapang opisina pa to. Kahit si Mama ay si Nathan palagi ang tinatanong. "Mamaya na po, maaga pa naman" Umakyat na ko sa kwarto, wala naman pumapansin sa akin. Kinuha ko ng damit pamalit si Nathan, dahil malamang sa kakakulit sa kanya  ng mga bata ay di sya makakapagpalit ng damit. "Chu, magpalit ka muna ng damit" Ayan na naman sya sa palaging buhat si Calleigh, kahit iinom lang sya ng tubig sa kusina ay buhat buhat nya si Calleigh. Kung dati ay lagi kami nag aaway ng mga bata sa mesa, dahil sa ayaw nila ng ulam at ayaw nila kumain. Ngayon ay masaya na palagi ang hapagkainan. Walang tigil sa kakakwento si Calleigh, tapos ay aasarin naman sya ni Carrick. Maging si Nathan ay inaasar rin si Calleigh kaya naman ang ingay ng buong bahay. Ganon palagi ang nagiging eksena namin sa tuwing kakain, ang mga pagkain ay kung ano ang gusto ng mga bata. Sa tuwing maggrocery kami ay kasama sila, lahat ng gusto nila ay nakukuha nila sa Papa nila. Napangiti na lang ako, habang pinapatahan si Calleigh na asar talo na naman sa kuya nya.  Kinabukasan ay pumasok pa rin ako kahit pa sabi ni Nathan na magpacheck up ako, di naman masama pakiramdam ko siguro ay dahil na lang talaga sa puyat. "Goodmorning Maam" "Goodmorning Po" "Goodmorning Madam" Lahat ng makakasalubong ko ay binabati ako, lahat sila kahit hindi ko kilala at kung saang department sila. Pagkaupo ko sa desk ko ay nilingon ko ang desk ni Tin at wala pa sya. Ano kaya nangyari, di ko pala naitanong ulit kay Nathan kung ano mangyayari kay Tin. "Goodmorning Mam" bati sa akin ng Dept. Head ko. Kumunot ang noo ko, sa tingin ko ay sinabi ni Nathan ang tungkol sa amin. Lahat sila ay sumusulyap sa akin, maging ang mga taong napapadaan sa Dept. namin. Maya maya ay dumating si Tin. Nakacasual attire lang sya at mukang hindi papasok sa opisina. "Mam, sorry. Di ko alam, akala ko lang kase" "Ha?" Naguluhan ako sa sinabi nya, umiiyak sya habang nakahawak sa kamay ko. "Di ko alam na kayo pala ni Sir Nathaniel, akala ko kase si Billy, alam mo naman na matagal ko na gusto si Billy. Sorry Jelly ay Mam pala" Di naman ako galit kay Tin, alam ko kasi ang nararamdaman nya kay Billy, dahil sa araw araw ay knkwento nya kung pano sya nagkagusto kay Billy, bata pa lang sya ay may gusto na sya sa lalaki na kapitbahay nya noon. Masyado nga lang syang bata para kay Billy, sa pagkakaalam ko ay 10 taon din ang tanda ni Billy sa kanya. "Okay lang, di naman ako galit Tin, di ka ba papasok? Bakit di ka nakapang office?" Takang tanong ko , tiningnan ko ang suot nyang Tshirt na puti at maong na pantalon, maging ang flat na sandals nyang kita pa ang mga pulang kuko nya sa paa. "Disciplinary Action, alam mo na yung nangyari kahapon, baka masuspend ako or terminate, sana kahit ano mangyari friends pa din tayo Jelly ay Mam pala" "You can call me Jelly ano ka ba, don't worry kakausapin ko si Nathan sa Disciplinary Action mo" Umalis na sya at nag umpisa na ko magtrabaho, pagtingin ko sa cellphone ko ay tadtad ng txt ni Nathan. "Ming, baka saktan ka nyan ulit" "Ming. Ano pinag uusapan nyo? Inaaway ka ba? " "Ming nagpabili akong almusal, wait mo na lang dyan" "Ming. Goodmorning. I love you" Marami pa syang txt at di ko na binasa pa, nilingon ko ang camera na malapit sa akin at ngumiti doon, alam kong nakikita nya ko sa desk nya, nireplyan ko ang mga txt nya. "Don't worry, nagsorry lang si Tin. I love you too" Nilagay ko na sa drawer ko ang cellphone ko at nag umpisa ng mag trabaho. Di ako sanay, wala kasi si Tin na maya maya nangangalabit para dumaldal. Di rin ako sanay na di ako inuutusan ng Dept. Head namin, dati ay pati pagxxerox ng id nya ay iuutos nya pa, dahil daw sa ako ang bago sa Dept. namin. Hinatid ni Billy ang pinadalang almusal ni Nathan, di ako makapaniwala na ang VP ng Sales ay inuutos utusan lang ni Nathan, kagalang galang din ang suot ni Billy na nakalong sleeve at slacks, halos lahat din ng empleyado ay ginagalang sya. "Ming lunch tayo sa labas? Wait kita sa kotse" Mag aalas dose na pala, kaya pala nagtxt na si Nathan. Madalas ay sa office nya kami maglunch, minsan ang niluto ni mama pagkain namin o kaya naman pag nagising ako ng maaga ay nagluluto ako ng para sa lunch namin. Wala kaming baon ngayon dahil sa tanghali na ko tumayo ng higaan. "Mam, lunch lang po" paalam ko sa Head namin na ngumiti at tumango. Dati ay tuwing magpapaalam kami ni Tin ay sasabihin nyang wala pang alas dose o kaya naman ay sasabihin nyang magmeeting muna, malamang ay alam na din nya ang tungkol sa amin ni Nathan. Pumunta kami ni Nathan sa isang korean restaurant na malapit lang sa building, pagtapos namin kumain ay nagtake out pa sya para sa merienda. Wala pang ala una kaya naman nagmake up muna ako sa cr sa floor namin. Sa loob ako ng cubicle nagmmake up, ayaw ko kase makipagsiksikan magmake up sa malaking mirror sa CR. "Baka GF pa lang ni Sir yung taga credit? Anong panglalandi kaya ginawa nun, ang gwapo pa naman ni Sir Nathaniel" "Hindi, asawa daw e. Si Sir Nathaniel daw mismo nagsabi na misis nya, sabi saken yun nung kaibigan kong taga credit" "Sino ba dun?" "Yung Jelhien, yung bago lang sa credit, dalawa yung bago lang diba, yung maputi saka yung isa morena, yung morena yung asawa daw" "Ah oo nakita ko na yun, maganda pa ko don e, mas sexy pa ko haha" Napahinto ako sa pagpapahid ng lipstick sa narrinig kong nag uusap, inuwang ko ng konti ang pinto ng cubicle at sinilip sila na busy rin sa pagmmake up. Mas sexy daw sya? Parang magkasing katawan lang kami partida dalawa pa anak ko tss. Eto na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong may makaalam sa relasyon namin, alam kong kukutyain din ako ng mga tao dahil di naman pang beauty queen ang peg ko. "Ang balita diba may anak at asawa na si Sir bago pa sya naging CEO? So kabit na nya yang Jelhien na yan?" Sabi muli ng mas sexy daw sakin. "Tsismis lang naman yata yung may asawa at anak na si Sir, ang swerte pa rin nung Jelhien, gwapo na mayaman pa" "Pss landi lang naman puhunan non, gold digger yun, nung una daw ay si Billy ang kalandian nun" Di na ko makapagtimpi sa mga naririnig ko kaya naman dahan dahan akong lumabas sa cubicle at tumabi sa kanila sa malaking salamin, pareho silang natahimik sa paglabas ko. Tinitigan ko ang muka ko sa salamin kung lagpas ba ang lipstick ko. "Bago nyo pa naging amo yang Sir nyo, patay na patay na sakin yun. At bago mo ko sabihan ng malandi kinilala mo muna sana ako, si Nathan nga lang naging nobyo ko e, at di ko kalandian si Billy" Akmang aalis na ko ng may naalala ako. "Ikaw" baling ko sa babaeng nagsabing mas sexy sya sa akin "And so what kung mas sexy ka? Katawan ba puhunan mo para magkalovelife? Baka ikaw ang landi ang puhunan tss" Di ko na napigilan ang sarili ko, dati naman ay di ako nakikipag away. Hindi ko na sila nilingon at bumalik na ko sa desk ko. Tulad kaninang umaga, halos lahat ng madaanan ko ay sumusulyap sa akin at bumabati. Nakakailang maging CEO's wife. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD