Jelhien POV
Sa mga nagdaang araw pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ere, dinuduyan ng ulap sa maaliwalas na hangin. Masaya ang bawat araw namin sa araw araw. Sabay kaming naghhanda ng almusal ng mga bata bago kami pumapasok sa opisina, madalas nga ay pareho kami ng baon na lunch. Sa araw araw din ay para kaming teenager na lagi magkatxt, isang buwan na ang nakalipas mula ng mag sama sama kami at sa araw araw ay parang walang kapaguran si Nathan sa buhay nya, pagkauwi galing sa trabaho ay makikipaglaro pa sya sa mga bata hanggang sa makatulog ang mga to.
Weekend na naman kaya tuwang tuwa na naman ang mga bata, nakagawian na nila ang magbonding tuwing weekend ako naman ay nagsself review dahil plano kong magtake pa rin ng board exam.
"Ming, pagtapos natin magsimba ay pupunta tayo sa bahay namin, ipapakilala ko kayo kay Mommy"
Kinabahan ako dahil sa mga picture ay mukang masungit ang Mommy ni Nathan, bukod pa doon ay baka hindi nya kami matanggap ng mga anak ko, kawawa naman ang mga anak ko pag nagkataon.
"Pano kung ayaw nya sa amin?" Nag aalalang tanong ko kay Nathan
"Wala naman na sya magagawa Ming" natatawang sabi nya sa akin.
Binihisan ko ng magaganda ang mga bata at ang ccute nila, sa ganong paraan ay makokonsensya naman siguro ang Mommy ni Nathan pag ayaw nya sa mga bata, okay lang na ayaw nya sa akin wag lang sa mga bata.
Nasa byahe pa lang kame pero napakalakas na ng kabog ng dibdib ko, hinahanda ko na ang isasagot ko ano man ang sabihin ng Mommy nya, sasampalin ba nya ko tulad sa mga pelikula? Mamaliitin nya ba ko? Papalayasin? Bubuhusan ng tubig?
Sa gitna ng aking pag iisip ay hinawakan ni Nathan ang kamay ko. Sa ganong paraan ay napanatag ang kinakabahan kong puso.
"Don't think too much, di ko naman kayo pababayaan"
Mahirap na, dapat laging handa kaya naman nagpatuloy ako sa pag iisip, kung palayasin nya kame ay okay lang wag lang sana nya pagsalitaan ng masama ang mga bata, nilingon ko naman ang mga anak ko na nasa backseat, busy sila kakalaro sa tablet na binili ni Nathan sa kanila. Maya maya lang ay nakarating kami sa bahay nila Nathan, bahay ba to o mansion?
Ang bahay nila Nathan ay napapaligiran ng magagandang halaman, maging ang disenyo ng mga kagamitan ay napakaganda, hindi ko maiwasan mamangha sa bawat parte ng bahay na dinadaanan namin, maging ang mga bata ay panay ikot ng tingin sa kabahayan.
"Goodmorning Sir" bati ng isang katulong kay Nathan
"Nasaan ang Mommy?"
Maya maya ay bumaba ang Mommy ni Nathan, di pa man nakakalapit ang Mommy nya sa amin ay masama na ang tingin nito sa amin, kaya naman hinanda ko na ang sarili ko.
Wala akong pakialam kung maging bastos ako basta para sa akin ay ayokong mapagsalitaan ng masama ang mga anak ko.
Isang malakas na sampal ang sinalubong nya kay Nathan, agad agad naman ako dumalo sa tabi ni Nathan. Sinasabi ko na nga ba ayaw nya sa amin.
"How dare you Nathaniel to keep our grandchildren to us? Nakarating sa akin ang balita, kung hindi ka sana nagtago ay baka nakita pa ng Daddy mo ang mga apo nya" naiiyak na nilingon ng Mommy nya ang mga anak ko, kinabahan ako akala ko ay mapapalaban ako ng sabunutan ngayon.
"Come here, kiss your Grandma" aya ng Mommy ni Nathan sa mga bata, pinatayo ko naman ang mga bata at inutusan mag bless, nagtama ang mga paningin namin ng Mommy ni Nathan at laking luwag ng paghinga ko ng ngitian nya ako.
Akala ko ay katulad sa pelikula ang Mommy nya, tipikal na matapobreng mayaman.
"Ano ang mga pangalan nila Iha?"
"Mommy, ang panganay ko ay si Carrick at ang bunso ko naman ay si Calleigh" pagsagot ni Nathan na hinihimas pa rin ang pisngi.
"Iha ka ba? Nagagalit ako sayo Nathaniel, bakit kailangan mo itago sa akin to? Wala naman problema sa amin kung mag asawa ka, ang gusto lang namin ay imanage mo ang business natin dahil ayaw namin mapunta sa iba ang pinaghirapan namin para sayo"
"Mom, pinapakasal nyo nga ako noon sa di ko kilala"
"For business purpose lang naman yun, dahil nga ayaw mo sa business. Kung hindi mo sana tinago ang lahat ay baka naabutan pa ng Daddy mo ang mga apo nya"
"Mommy Ilang taon na patay ang Daddy di ka pa rin nakakamove on"
Palipat lipat ang tingin ko kay Nathan at Mommy nya.
"Kamuka mo ang panganay mo Nathaniel, kahawig naman ng Daddy mo itong bunso, paniguradong matutuwa ang Daddy mo kung nandito lang sya"
Napabuntong hininga na lang si Nathan sa Mommy nya, halatang hanggang ngayon ay naglluksa to sa pagkawala ng asawa nya.
Maya maya lang ay inaya na ng Mommy nya ang dalawang bata maglibot sa buong kabahayan.
"Ang sakit ng sampal ni Mommy Ming, kiss mo nga" sabay nguso nya sa akin
"Pisngi lang naman sinampal sayo a bat nakanguso ka?"
Patuloy lang sya nagpout, di rin nagtagal ay bumalik na rin ang mga bata kasama ang Mommy ni Nathan.
"Nathaniel Iho, pwede bang dumito ang mga apo ko paminsan minsan?"
"Mommy bumabawi rin ako sa mga anak ko"
"Bakit di na lang kayo dito tumira?"
"May bahay na kami Mommy"
"Hay basta dalaw dalawin nyo ko ng mga apo ko, e kelan naman kayo ikakasal?"
"Kasal na kami Mom"
"Lahat na lang kontra ka Nathaniel, hindi ako papayag na hindi ako imbitado sa kasal ng kaisa isa kong anak, kung alam ko lang na ganyan ka sana nag anak kami ng Daddy mo ng marami. Magpplano na ko ng enggrande nyong kasal, ayun lang ang hiling ko bago ako mamatay kaya wag ka na komontra"
Nagkatinginan na lang kami ni Nathan sa sinabi ng Mommy nya, pagkatapos nya sabihin iyon ay nagplano na sya ng mga gusto nya at wala akong nagawa kundi tumango na lang, pauwi na kame ng mapansin ko ang mga alahas na suot ng mga anak ko.
"Carrick, Calleigh kinuha nyo ba yan sa bahay ng Grandma nyo? Bakit hindi nyo binalik, Chu ibalik mo ang sasakyan sa bahay nyo"
"Mama bigay to sa amin ni Grandma, ang ganda diba? " sabi ni Calleigh habang winawasiwas ang braso nyang may gold na bracelet, meron din syang suot na earrings at necklace, maging si Carrick ay may suot na bracelet.
"Sana ay tumanggi kayo, nakakahiya na palagi kayong tatanggap"
"Let them Ming, si Mommy naman yun sabik lang yun sa mga apo nya"
Hindi ako pabor sa ganong ideya, ayaw na ayaw ko ang tumatanggap ang mga anak ko ng kung ano ano, nasasanay silang tumanggap at di na sila magsisikap kung ano man ang gusto nila makuha.
Patuloy ang Mommy ni Nathan sa pagpplano ng kasal namin, wala naman sa akin kung ikasal kami ulit, halos isang buwan na rin at sa susunod na linggo na ang tinakda nyang petsa ng kasal,
May pasok na naman sa opisina at tamad na tamad ako bumangon ngayong araw, kahit pa magkaayos na kami ni Nathan ay di sya natitigil magpadala ng bulaklak sa mesa ko, kahit pagkain at kung ano ano ay nagiiwan sya sa mesa ko.
"Goodmorning Tin" bati ko kay Tin na seryosong nakatutok sa computer nya
Napakabusy nya ata ngayon a.
"Uy Tin busy ka ata kaaga aga a"
Hindi sya namamansin, dati naman ay papasok pa lang ako tsismis agad ang ibubungad nya sa akin. Lumapit ako sa kanya at masama ang tingin nya sa akin.
"Bakit? May kasalanan ba ko sayo?" Takang tanong ko sa kanya
"Nag mamaang maangan ka pa, alam mong gusto ko si Billy, pero si Billy pala ang nangliligaw sayo" galit na sabi nya sa akin
Nagtaka naman ako, ano ba pinagsasabi neto? Napansin nya ata ang pagtataka sa muka ko kaya nag umpisa na naman sya magsalita.
"Nakita ko si Billy na naglalagay ng bulaklak at pagkain kaninang umaga sa mesa mo, naconfirm ko lalo na si Billy ang mangliligaw mo dahil nakita ko ang kotse na gamit nya kanina ay yun din ang kotseng sinakyan mo dati nang nakita kita sa sakayan"
"Teka teka nahihilo ata ako sa sinasabi mo"
Di ko alam paano ko sasabihin na inuutusan lang ni Nathan si Billy.
"Malandi ka rin pala, kunwari ka pang walang oras sa lovelife, sabagay sino ba naman aayaw kay Billy, VP ng sales dept. , may sariling kotse at bahay, gold digger ka!!"
Nakakahiya sa lahat ng nakakarinig, halos lahat sila ay nakatingin sa akin, hindi ko alam pano ko dedepensahan ang sarili ko, ramdam ko ang pagbubulungan nila, nilingon ko sa Tin at galit na galit sya.
"Ano di ka makapagsalita ano? Gold digger!!"
Hinanda ko na ang sarili ko ng akmang susugurin nya ko, ayaw ko sya patulan dahil mas matanda ako at bukod pa doon ay mas nakakaunawa ako sa sitwasyon. Alam kong selos lang nararamdaman nya pero sa pagkakaalam ko ay wala naman silang relasyon ni Billy. Sabunot sabunot nya ang buhok ko, wala akong magawa kundi pigilan lang ang kamay nyang mahigpit ang pagkakapit sa buhok ko, sa kaiilag ko ay parang nahihilo ako sa pwersa ng kamay nya sa ulo ko, maya maya pa ay ramdam ko ang pagkauntog ng ulo ko at pagbagsak ko sa sahig, after that my mind went black.
Nathan POV
"Boss Boss !! Dalian mo"
Aga aga ay hinahatak agad ako kung saan saan ni Billy. Nagtaka ako kung bakit parang papasok kami sa Dept. nila Jelhien at doon ko nga naabutan ang eksenang inaaway sya ng ktrabaho nya.
"Malandi ka rin pala, kunwari ka pang walang oras sa lovelife, sabagay sino ba naman aayaw kay Billy, VP ng sales dept. , may sariling kotse at bahay, gold digger ka!!"
"Ano di ka makapagsalita ano? Gold digger!!"
Huli na ang lahat dahil bago pa ko nakaawat ay hinimatay na si Jelhien, nagmadali akong daluhan sya, umakyat ang galit sa ulo ko habang binubuhat ko ang walang malay na asawa ko.
"Miss, ready to be terminated, how dare you lay your finger on my wife? Yes you heard it right, she is Mrs. La Tierrez. She's not Gold Digger, she's the gold."
Binalingan ko si Billy na puno't dulo ng away na nangyari. Alam kong may gusto sa kanya ang batang yan at marahil akala nya ay si Billy ang nangliligaw kay Jelhien.
"Billy fix this issue, wala akong paki sa mga kalandian mo pero iba to, ayaw kong nadadamay ang asawa ko"
"Ano ka ba Tin, ilang beses ko ba sasabihin na wala akong planong patulan ka napakabata mo pa para sa akin, at ang asawa pa talaga ni Boss inaway mo a"
Hindi ko na sila pinakinggan pa, nagmadali akong dalhin si Jelhien sa opisina ko, nagpatawag agad ako ng company doctor. Alam kong nahimatay lang sya dahil sa pagkakauntog o dahil sa pagkahilo pero kinakabahan pa din ako dahil ang tagal ng doctor at wala pa rin syang malay. Ang muka nya ay putlang putla at ang katawan nya ay parang pagod na pagod.
Halos sigawan ko ang doctor pagdating na pagdating nya sa opisina ko. Nag aalala na ko sa asawa ko. Maging si Billy ay nadadamay sa galit ko, hawak ko lang ang kamay nya habang kung ano ano ang ginagawa sa kanya ng doctor.
"Sir. Wala naman pong problema, pero kumuha pa rin po ako ng sample for lab test, itatawag ko po agad ang result, hayaan nyo po sya magpahinga baka dahil rin po sa fatigue ang pagkahimatay nya"
Tumango na lang ako, hindi mawala ang pag aalala sa akin. Alam kong ayaw nya ipaalam sa office na asawa nya ko, pero di ko na napigilan ang sarili ko ng makita ko syang inaaway dahil lang sa maling akusasyon.