New Beginning

1557 Words
Jelhien POV Pagkatapos namin ayusin ang problema naming dalawa ni Nathan, napagkasunduan naming lumipat na sa bahay na binili niya, bukod pa doon ay nangako rin sya sa mga bata na igagala sila sa mall para bumili ng mga bagong damit. Masasabi kong I feel so complete and contented, masaya ang dalawa kong anak na nakikipaglaro kay Nathan habang nag aantay sa aking mag ayos, ako na lang ang inaantay nila para makaalis na kame. "Ma, ang tagal mo naman, gustong gusto ko na pumunta sa mall" maktol ni Calleigh habang nagsusuklay ako sa tapat ng salamin. Hehe may batang excited, panigurado ay gusto na naman nya ng chocolate. Si Carrick naman ay palaging nakatabi kay Nathan at naglalaro ng lego. Lumabas si mama ng kwarto at bihis na rin sya. "Tara na, paniguradong malamig sa mall, kaya naman pinagdala ko kayo ng mga panglamig na damit" Pati si mama ay excited, doon ko naisip ang kakulangan ko, kahit kailan ay di nagawa ni mama maglibang dahil sa akin. Maya maya pa ay umalis na kame, ang sasakyang dala ni Nathan ngayon ay Van kaya naman kasyang kasya kaming lahat. Tuwang tuwa si Calleigh habang nakatanaw sa bintana. Ang bibig nya ay walang tigil kakadaldal. Weekend ngayon kaya naman walang gaanong traffic, pero maraming tao sa mall. "Wow Mama ang ganda ganda dito" manghang mangha si Calleigh sa mall, dumiretso kame sa department store para mamili ng mga damit ng mga bata, para hindi ko na daw dalhin ang mga lumang damit nila. Ang iilang damit pa lang ay napakabigat na sa bulsa para sa akin, pero si Nathan ay walang paki sa presyo basta lang sya lagay ng lagay sa cart. "Chu, ang mahal mahal dapat sa palengke na lang tayo, 400 pesos para sa dalawang damit lang na pambahay ni Calleigh, sa palengke nga may mabibili kang 50pesos lang e" "So what kung mahal? Para naman sa anak ko to, don't worry Ming, just choose whatever you want" At nagpatuloy na sya sa pamimili , maging si Calleigh ay namimili ng mga damit nya, kahit si Carrick ay namimili ng damit. Napailing na lang ako, nag aalala magkano aabutin ng resibo mamaya. "Anak, hayaan mo na ang mga anak mo, ngayon lang naman sila nagpapabili sa ama nila, hayaan mong maranasan nila ngayon na maibili ano man ang gusto nila" pagssermon sa akin ni Mama na nasa likod ko at may bitbit ding damit nya, saka lumapit sa cart na bitbit ni Nathan. "Nathan iho pakisama mo nga ito, nakita ko to sa tv mukang bagay sa akin" sabi ni Mama kay Nathan "Pati ba naman ikaw Mama nakikibili rin?" Pagmamaktol ko, tinawanan lang nila ako lahat saka hinawakan ni Nathan ang kamay ko. Pagtapos mamili sa department store ay kinukulit naman ng mga bata si Nathan pumunta sa Toy Store, ang ilang paper bag ng mga damit ay nilagay nya muna sa kotse para walang bitbit. "Kain muna tayo kids, saan nyo gusto kumain?" Tanong ni Nathan sa amin, si Calleigh ay laging buhat buhat ni Nathan. "Wag mo na buhatin si Calleigh, hayaan mong maglakad para di ka mapagod kakabuhat dyan, ang laki na nyan e" sabi ko kay Nathan, si Calleigh ay chubby at bilog na bilog ang mga pisngi, mas mataba pa nga ang braso nya sa kuya nya, si Carrick ay payat at matangkad. "I want to carry her Ming, nung baby sya ay di ko man lang sya nabuhat kaya kahit sa gantong paraan ay gusto kong makabawi" "Nathan iho, pwede ba tayo dun sa may iniihaw na karne? Napanood ko kase sa tv yung ganong pagkain gusto ko maitry bago man lang ako mamatay" "Mama ano ba yang sinasabi mo, tigilan mo nga kakanood ng kdrama, kinakain ka na ng kdrama" pagssermon ko kay Mama Si Mama ang nasunod, sa samgyupsal nga kami kumain at tuwang tuwa sya, ang mga bata ay binilhan ni Nathan ng Jollibee kaya busy rin silang kumakain habang si Mama ay feel na feel ang pagluluto. "Nakakatuwa si Mama parang nagiging teenager" bulong ni Nathan sa akin. Pinagmasdan ko si Mama na nag luluto pati pagcchopstick ay talaga namang kina career nya. Dati ay hindi si Mama lumalabas ng bahay, mahiyain talaga si Mama pero ngayon ay nagssamgyupsal pa sya. Si Nathan ay maya maya pinupunasan ang bibig ni Calleigh na napaka kalat kumain. Si Carrick naman ay kain lang ng kain "Mama ang sarap pala sa Jollibee" sabi sa akin ni Carrick Naalala ko dati na gustong gusto nya ibili ko sya ng Jollibee dahil nakita nya ang advertisement sa tv, nangako ako pero hindi yun natupad dahil na rin sa gipit na gipit talaga kame. Mula noon ay di na sya humiling sa akin, hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanya noon o maaawa. Pagkatapos kumain ay ayan na naman ang pangungulit ng dalawa sa toy store. "Papa, punta na tayo sa toy store" pangungulit ni Calleigh na buhat buhat na naman ni Nathan. "Sure my baby girl" Spoiled na spoiled ang mga bata kay Nathan maging si Mama ay iniispoiled nya rin. Si Mama ay tuwang tuwa dahil may take out sya ng kimchi na nakita na naman daw nya sa tv. Masayang masaya ang dalawang bata kakaikot sa toy store, halos hindi sila makapamili dahil sa dami ng pagpipilian. Pagkatapos ng isang oras na pamimili nilang dalawa ay sa wakas ay uuwi na kame. Nakakapagod pero masaya. Habang nasa byahe pauwi ay nakatulog na ang dalawang bata, maging si Mama na nasa gitna nila ay tulog na rin. "Chu napagod sila, tingnan mo mga tulog na" Nilingon naman sila ni Nathan sa salamin, maging ako ay napagod kakaikot sa loob ng mall, ngayon lang ata ako napagod na hindi sa pagttrabaho. "Nag enjoy ka ba?" Pagtatanong sa akin ni Nathan. "Oo naman, masaya ang mga bata , masaya na rin ako, thank you Chu" "I love you" "Ano ba, marinig ka ni Mama at ng mga bata nakakahiya" namumula na ata ako, hindi talaga ako cheesy na tao at lalong hindi ako sweet kaya naman pag naririnig ko yan ky Nathan ay kinikilabutan ako. Eto ang unang gabi na sa bahay ni Nathan kame matutulog, dito na kame dumiretso. Nagising ang mga bata pagkarating namin. "Mama kaninong bahay to? Ang ganda, ang laki at ang bango bango saka malamig pa Mama hindi tulad sa bahay natin ang init" madaldal na naman ang bunso kong anak "Mataba ka lang kaya ka naiinitan" pang aasar ni Carrick, ayan na naman sila panigurado mag aaway na naman sila "Kids wag mag away, mula ngayon dito na tayo titira, meron akong pinagawang playroom nyo rito at meron rin kayong sariling kwarto, tara sa taas ipapakita ko sa inyo" pag aaya ni Nathan sa dalawang anak namin. Naiwan kami ni Mama sa sala. Si Mama ay nakatanaw lang kay nila Nathan na papanik ng hagdan, buhat buhat na naman nya si Calleigh at hawak nya sa kamay si Carrick. "Anak,  ang ganda ganda ng bahay na to, uuwi na ba ko ng probinsya?" "Hindi Ma, wag ka na umuwi doon, dito ka na lang kasama namin" "Talaga? Ayaw ko rin sana umuwi sa probinsya, walang signal ang tv doon, di ko mapapanood ang sinusubaybayan kong drama, mas masarap siguro manood dito ang laki ng tv" masayang masayang sabi ni Mama Maya maya pa ay bumaba na si Nathan, mag isa na lang syang bumaba. "Nasaan na yung dalawa?" "Pinatulog ko na, matulog na rin tayo, napagod rin ako sa maghapon" "Iho saan ang kwarto ko? May tv ba doon? Ayaw ko pa matulog manonood pa ko" Si Mama talaga naadik na kakanood ng tv. Hinatid namin sya ni Nathan sa kwarto nya at sabay na kami pumanik sa kwarto namin. "Ming, ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Nathan dahil hindi pa ko nakahiga, busy ako dahil nagoonline tutor ako, sayang din kase ang kita saka isa pa nakasanayan ko na bago matulog. Hindi ko sya pinansin at tinapos ko lang ang ginagawa ko. Maya maya ay lumapit sya sa akin at sinisilip ang ginagawa ko, mabuti na lang at tapos na rin ang klase ko. "Nagoonline tutor ako pangdagdag kita" "Hindi mo na kailangan magtrabaho, kahit ang pumasok sa office bukas ay hindi mo na kailangan" "Ayaw ko Chu, may pangarap rin ako sa buhay, nag iipon ako ng pera para sa review ko" "Sure Ming, do whatever you want. Handa ka na bang malaman nila na asawa kita?" "Ha? Ano ibig mo sabihin?" Takang tanong ko sakanya "Sa office, para malaman na nila na asawa kita, para wala ng pumoporma sayo" Natawa naman ako, sino tinutukoy nya? Parang wala naman pmporma sa akin. "Ayaw ko malaman nila, pag nakaipon na ko pangbayad sa review center at pangboard exam ay gusto ko sana magkaroon ng sariling accounting firm"  "Lahat ng gusto mo Ming, gawin mo, nandito lang ako nakasuporta sayo, kapag may kailangan ka nandito lang ako" Ang sarap sa pakiramdam yung ganto, yung alam mong may naniniwala sayo, alam mong may nakasuporta sa lahat ng pangarap mo. Hindi ko napansin na nakatitig na naman pala ako sa kanya , kaya naman lumapit na naman sya sakin at hinila ako sa kama. "Isa lang iniisip kong gawin kapag nakatitig ka sakin, tara na let's make baby no. 3" We spent our first night as one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD