Jelhien POV
Flashback
"Naalimpungatan ako na parang may kulang, inunat ko ang mga braso ko at kinapa si Nathan. "
"Ang aga naman bumangon non, inabot ko ang cellphone ko at 3am pa lang. Dahil maaga pa ay natulog na lang ulit ako. "
"Mag aala syete na ng muli akong magising, nagising dahil sa paghila ng buhok ko ni Carrick, gising na ang anak ko kaya naman bumangon na rin ako."
"Paglabas ko sa sala ay may isang bag, binuksan ko yun at puno yun ng pera, maging ang titulo ng bahay na tinitirhan namin ay maayos na nakalagay sa bag. Tinabi ko yun sa aparador dahil baka hanapin mo yun. "
"Umiiyak na si Carrick, iyak sya ng iyak at hinahanap ka, pero hapon na at wala ka pa. Tinawagan kita pero di ka na macontact. Nag antay ako magdamag, nag aalala na baka napano ka na. "
"Kinabukasan na ulit at wala ka pa rin, nag umpisa na kong umiyak, kung ano ano na ang naisip ko. Sa araw araw ay nag aantay pa din ako. Sabay kaming umiiyak ni Carrick, hinahanap ka namin pareho. Mabuti na lang, dumalaw si Mama, umiyak ako ng umiyak, yakap lang ako ni Mama hanggang tumahan ako, ilang araw na may sakit si Carrick, pero ako tulala lang at parang wala sa sarili, iniisip kung anong rason bakit mo kame iniwan. "
"Pagtapos non ay umuwi ako sa amin bitbit si Carrick, bitbit ang perang iniwan mo at ang titulo. Sinumbat lahat sa akin ni Papa ang pagkakamali ko, kung nakinig ako sa kanya ay di sana nangyari yun, kung sana ay di ko inuna ang landi ay accountant na sana ako. Mas lalo akong nadepress ng panahong yun, wala akong tigil sa pag iyak, halos napabayaan ko na ang sarili at anak ko, hanggang sa mawalan na lang ako ng malay at dinugo ako, malayo ang ospital sa bahay kaya naman naging kritikal din ang lagay ko noon, doon ko lang nalaman na buntis pala ulit ako at muntik ko ng ipahamak ang inosenteng nasa sinapupunan ko. "
"Pilit kong tinatagan sa araw araw, naging maselan ang pagbubuntis ko, nahirapan ako manganak sa pangalawang pagkakataon, pero salamat at ligtas naman kame. Mga ilang araw lang ay sinugod si Papa ng mga maniningil, bago ako manganak ay nagkaroon ng sakuna sa farm, halos nasira ang mga cacao noon kaya walang benta. Ang perang iniwan mo ay pinangbayad ko sa maniningil, doon ko nalaman na halos 7 milyon na pala ang utang ni Papa, baon na baon pala kame sa utang, buwan buwan ay almost 100K ang hulog interest lang yun, kaya naman hirap na hirap ako lalo, kasabay noon ay ang palaging pagkakasakit ni Papa, kaya 2 buwan pa lang si Calleigh ay naghanap na ko ng trabaho, pinilit kong isaayos ang farm para kumita yun kahit papaano, maging pag aalaga ng manok ay pinatos namin ni Mama at issupply namin sa bayan para lang makaipon ng 100K per month"
"Kahit magtrabaho ako ay di talaga sapat, ang sweldo ko ay nappunta sa panggastos ng dalawang bata, swerte na lang kame sa kopra at dagdag kita din, ilang buwan pa ang nakalipas at naospital si Papa, doon namin nalaman na matagal na pala nyang alam ang sakit nya, ilang buwan lang din at namatay si Papa dahil sa kidney failure, sobrang sakit, sobrang hirap ng wala si Papa"
"Pero si Mama? Isang gabi lang sya umiyak, kinabukasan ay nakafocus na ulit sya sa mga bata, ang katwiran nya ay buti nandyan ang mga apo nya kung hindi ay mababaliw sya"
"Buti pa si Mama ang tapang, kaya tinapangan ko rin, di na kita iniyakan mag mula noon, di na kita inisip, tinanggap ko na lang ang katotohanan na umalis ka"
"Wala na kong paki sa rason mo, baka nahirapan ka sa buhay natin kaya ganon, mag mula noon wala na kong ibang inisip kundi ang kumita ng pera, habang nagttrabaho ay minomonitor ko ang farm, sa hapon ay nagssideline akong tutor sa math, sa gabi ay aayusin namin ang mga manok na idedeliver sa bayan, araw araw ay ganon ang nangyayari hanggang sa napagpasyahan kong pumunta sa Maynila para sa mas maayos na buhay"
"Pasalamat kami sa matagal ng katiwala ni Papa sa farm kaya kahit nandito kami ay may nag aasikaso doon, natanggap ako sa trabaho at meron na kameng regular na pagssupplyan ng cacao kaya naman masaya ako at unti unti ay makakaahon kami"
"Naguguilty ako sa tuwing makikita ko ang mga bata na mahimbing na natutulog, kahit kailan ay di ko sila naipasyal, hindi ko man lang nga sila makakwentuhan ng matagal"
"Pero para sa kanila din naman ang ginagawa ko, wala kasi akong ibang aasahan Chu, ang sakit sakit pag wala kang kaagapay, wala kang kasama sa hirap ng buhay"
"Alam mo ba? Madalas magpabili sa akin si Calleigh ng chocolate at mga laruan pero ano magagawa ko? Hindi namin afford e, buti si Carrick marunong na makaintindi, kahit nga bday nya ay di nya pa nararamdaman kahit kase minsan ay di pa nya naranasan magcelebrate"
"Ang sakit bilang ina, ang sakit para sa akin ang ganon, kahit weekend ay kailangan ko pa rin magtrabaho, pasalamat ako at nandyan palagi si Mama nakabantay sa mga anak ko"
"Kaya naman ng magpakita ka sa akin ay sobra sobrang sakit na naman ang naramdaman ko, galit na galit ako sayo, naaalala ko lahat ng naranasan ko"
"Wala naman akong magawa kase kailangan ko ng trabaho, at mas malaki ang kikitain namin kung may regular kaming ssupplyan ng cacao, wala akong magawa kase kailangan kong kumita para sa mga anak ko at para sa utang ni Papa"
"Sabi ko sa sarili ko kailangan ko magsikap ng magsikap para matapos na ang pagkakautang namin, matapos lang ang utang namin ibibili ko ang mga anak ko ng laruan, ibibili ko si Calleigh ng malaking chocolate cake, ibibili ko si Carrick ng mga dinosaur."
"Kaya naman hindi ko mapigilan ang umiyak ng bilhan mo sila ng laruan na gusto nila, mababaw pero malaki naging impact sa akin nun, ang makitang masaya ang mga anak ko ay doble ang saya sa akin, karapatan nila mabigyan ng maayos na buhay, hindi ko yun naibigay, hindi ko nga man lang maibigay kahit oras ko"
"Tanging ang farm lang ang naiwan sa amin ni Papa kaya hindi ko kayang isuko na hatakin yun sa amin, kahit pa magkandakuba ako kakabayad ay gagawin ko"
"Nung iniwan mo ko ay naging malaking palaisipan sa akin bakit mo ko iniwan, wala naman tayong pinag awayan, sana ay nagsabi ka na lang sa akin para hinarap natin ng sabay ang pagsubok, hindi tulad ng nangyari ngayon, nasayang ang ilang taon natin"
"I'm so sorry Ming, tama ka, sana ay hindi nasayang ang ilang taon natin, sana ay hindi ka nahirapan, sana hindi mo mag isa hinarap lahat ng yun" sinserong sabi sa akin ni Nathan habang yakap nya ako.
Ang bawat sama ng loob ko ay unti unti nawawala kasabay ng bawat patak ng luha ko, ang bigat na kinimkim ko ng ilang taon ay unti unti na rin gumagaan, maging ang pakiramdam ko ay gumaan matapos ko masabi lahat kay Nathan ang nangyari.
Forgiving him is also setting myself free from pain and hatred.
"Ming, mula ngayon ay di ka na mag isa, nandito na ko, pangako hindi na ulit ako aalis, hindi ka na iiyak kase hindi ko hahayaan mangyari yun, hindi mo na kailangan magtrabaho ng magtrabaho dahil nandito ako ipprovide ko lahat ng kailangan nyo"
Ramdam ko ang pagtulo ng luha ni Nathan sa likod ko, ang bawat sinasabi nya ay humahaplos sa puso ko.
"Ming, wag ka na umiyak. Mahal na mahal kita"
Ngumiti ako sa kanya at pinahid ang luha sa aking mukha. Tinitigan ko ang mukha nya, parang hindi man lang nagbago ang mukha nya samantalang ako ay ramdam ko ang pagtanda.
"Dito sa bahay na to, mag uumpisa tayo ng bagong buhay, hindi nyo na kailangan magtiis sa apartment na maliit Ming, di mo na rin kailangan mamroblema kung saan ilalagay ang laruan ng mga bata dahil malaki ang bawat kwarto, meron rin isang kwarto akong pinaayos na playroom nila, nilagay ko sa mini library lahat ng paborito mong libro"
"Nathan, kung lilipat kami dito isasama ko si Mama, wala syang kasama sa probinsya saka malulungkot sya pag nahiwalay sa mga bata"
"Oo naman, wala naman problema yun sa akin, hindi ko alam na wala na pala si Mang Ricardo, kung nandito sya paniguradong galit na galit sa akin yun"
Naalala ko naman si Papa, ang biglaang pagkamatay nya ay parang kahapon lang, masakit pa rin para sakin na wala akong nagawa para labanan ang sakit nya.
Payapa na ang pakiramdam ko, at masaya ako sa naging desisyon ko. Lahat naman ng tao ay nagkakamali at hindi kame excempted Ni Nathan don. Ang mahalaga lang sa buhay mag asawa ay ang maayos na pag uusap, kung may bagay na di man kame pagkasunduan, hindi dapat yun pag awayan dapat ay may isang magparaya. Ang pag aasawa talaga ay hindi basta basta, kailangan mo isuko ang iba mong interes para unahin ang mga anak mo, kapag ina ka na wala kang hindi gagawin para sa anak mo, kapag nag asawa ka na at anak ang buhay mo ay hindi na sayo, kundi sa pamilya mo na. Mahirap mag alaga ng bata, pero ang sayang dulot nila ay walang kapantay na halaga.
"Bat ka nakatitig sa akin?" Tanong ni Nathan , di ko napansin na nakatitig na pala ako, maya maya ay lumapit sya sa akin at unti unting nilapit ang muka nya sa akin.
When our lips met, it feels like the first time we kissed. Our kiss deepened as if we can't breathe without each other. He is holding me tight, and I am clinging on his neck.
I miss him so much, and I realize that wherever he goes, my heart will patiently wait him.
He is leading me to bed without breaking our kiss, he is now on top of me and looking at me with sincere eyes.
"You still love me right?" He asked while planting small kisser on my neck, i can't suppress my moan. And I just nod on his question.