Nathan POV
Kinakabahan akong nag aantay sa parking lot, ngayon ko sasabihin ang lahat. Sana kahit malaman nya ang buong katotohanan ay mapatawad na nya ko ng lubusan. Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng kotse ko.
"Ang tagal mo" bungad kong bati sa kanya
"May pinatapos pa sakin ang Head namin bago ako pinaalis"
"Palagi ka nyan pinapahirapan, matanggal na nga sa trabaho yan" pagbibiro ko sa kanya
"Haha baliw"
Habang nagddrive ako ay iniisip ko na kung paano ko uumpisahan ang paliwanag ko, yung paliwanag na mauunawaan nya ang rason ko.
"Ming, lahat ay sasabihin ko sayo, pero sana wag na wag mo kong iiwan, wag na wag ka ng magagalit sa akin, wag na wag mong ilalayo sa akin ang mga bata" nanginginig ang boses ko sa takot na baka kapag sinabi ko lahat ay magalit sya lalo sa akin.
Hinawakan ko ang kamay nya.
"Ming bago ako mag umpisa, please assure me that you love me"
FLASHBACK
Nathan POV
"Sa araw araw ay palagi kami nag aaway ni Daddy, ang gusto nya ay sumama ako sa kanya sa negosyo, gusto nya laging dinidiktahan ang buhay ko. Ang Daddy ko ang may ari ng pinakamalaking chocolate factory sa bansa, pati mga cacao na ineexport sa chocolate capital ay sa amin din nangagaling, kahit pa sobrang yaman na namin ay parang hindi si Daddy kuntento. Bilang nag iisang anak, wala syang ibang maaasahan kung hindi ako. Minsan ay pinaghanap nya ko ng ibang cacao farm, dahil ang cacao farm na pag aari namin ay hindi malaki kumpara sa demand ng aming client. "
"Dun ako nag ka ideya na umalis sa bahay namin, dahil bukod pa doon, wala akong kamalay malay na pinagkakasundo nya na pala ako ng kasal sa anak ng kaibigan nya. Ayokong ikasal sa di ko mahal kaya naman sa tulong ni Billy ay umalis ako sa amin, bitbit lahat ng savings ko, lakas loob kong tinalikuran ang buhay ko. Pero lalong nagalit ang Daddy ko at pinahold lahat ng account ko, buti na lang naitransfer ko lahat ng pera ko sa ibang account. Pero hinahanap pa din ako ni Daddy kaya naman hindi ako makapag apply ng trabaho."
"Nalaman ko ang cacao farm dahil sa report ni Billy, naisip ko doon magtago dahil sa lahat ng farm ay ayun ang pinakamalayo. Wala akong plano magtagal doon, gusto ko lang sana makahinga saglit sa buhay na meron ako. Pero dumating ka, nagkaroon ng bagong direksyon ang buhay ko. "
"Nagvolunteer ako magtrababo sa farm para magkaroon ako ng ideya pano umiikot ang buhay sa cacao farming. Hindi ko ginustong magmahal at masira ang gusto mong bukas, hindi ko gustong hadlangan ang kagustuhan mong maging Accountant. "
"Sa araw na araw na nasa Palawan ako ay palagi akong pinagtatakpan ni Billy para di ako mahanap ni Daddy, hindi ko alam na may malalang sakit na pala sya kaya nya ko hinahanap. Nung umuwi ako sa bahay ng pumunta kang Manila ay nasa Italy ang parents ko at pinapasunod ako doon, pero di ko kayang iwan ka lalo pa nung nalaman nating buntis ka. "
"Para saken, ayun na ang bago kong buhay. Kasama ka at kasama ang baby natin. Parang ayaw ko na bumalik sa amin, kung pwede lang sana akong maging normal na mag aapply ng trabaho para buhayin kayo. "
"Tama ka sa tuwing lalapit ka sa akin at aalukin ako ng tulong tungkol sa pera, tama ka na nahihirapan na ako. Pero bilang lalaki ay responsibilidad ko ang buhayin kayo. Gusto kong bigyan kayo ng marangyang buhay. Gusto ko maibigay ko lahat ng gusto mo. "
"Sa tuwing gusto mo mag apply ng trabaho ay naffrustrate ako sa sarili ko, pakiramdam ko ay napakawala kong kwenta, kaya naman palagi tayo nauuwi sa away"
"Gabi gabi ay palagi tayo nangangarap, palagi mo sa akin sinasabi na balang araw ay sana magkaroon tayo ng magandang bahay, gusto mo maging maganda ang farm nyo, gusto mo maging ganap na Accountant at marami pang iba"
"Masakit sa akin na di ko man lang maibigay sayo lahat yun, maging ang kasal natin ay simple lang, hindi ko man lang napagsuot ng magandang gown ang asawa ko na dapat ay sya ang pinakamaganda sa araw nya"
"Isang araw ay tumawag sa akin si Billy, pinipilit akong umuwi dahil malala na daw ang kondisyon ng Daddy ko, ang sabi ko ay baka nag iinarte lang para umuwi na ako, pero hindi daw"
"Ilang araw ako nag isip kung uuwi ba ako, hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sayo, nung gabing yun ay nangarap na naman tayo bago matulog, napagpasyahan ko nang umalis muna para mabigyan ko kayo ng mas maayos na buhay, dahil naisip isip kong walang mangyayari sa akin kung tatakbo lang ako palagi. Ang pera ko ay magkano na lang at hindi ko na kayo kaya buhayin sa perang yun"
"Ang tagal ko kayong pinagmasdang natutulog bago ako umalis, mabigat ang bawat hakbang ko dahil nagdadalawang isip ako at parang di ko kaya, alam ko naman na mabuti kang ina at maaalagaan mong mabuti ang anak natin kaya naman malaki ang tiwala ko sayo"
"Sinadya kong ipangalan sayo ang nabili kong bahay na tinirhan natin para kung magipit kayo ay pwede mo yun ibenta, lahat ng natirang pera ko ay iniwan ko sa bag para may panggastos kayo kahit papaano, alam kong uuwi ka sa magulang mo at alam kong tutulungan ka nila"
"Nung gabing umalis ako ay dumiretso na ko sa Daddy ko sa Italy, at ilang araw lang ay pumanaw nga ang Daddy ko, lahat ng ari arian at shares of stock ay naipasa sa akin bago sya pumanaw, pero naging mahigpit ang board ng pumanaw si Daddy, para maiappoint akong CEO ay kailangan kong pag aralan lahat, kaya naman di ako nakabalik kaagad, wala akong makuhang report kay Billy tungkol sa inyo dahil hindi daw kayo mtrace"
"Bawat araw na dumadaan ay napakasakit sa akin, hindi ako makakain dahil iniisip ko kung maayos ba kayo nakakakain, iniisip ko na baka galit na galit ka sa akin o baka umiiyak ka, iniisip ko ang anak ko baka hinahanap ako"
"Hindi ako makatulog, gabi gabi ay palagi kong tinitingnan ang larawan natin, kaya naman nagsikap ako, kailangan kong magsikap at kailangan ko kayong balikan, hindi ako makabalik sa Pilipinas dahil inaayos ko rin lahat ng inheritance claims ko"
"Nalaman kong binenta mo na ang bahay natin, kaya naman mas nag alala ako, ibig sabihin ay nagigipit kayo ng anak ko, sabi ko sa sarili ko ay konting tiis na lang dahil pauwi na ko ng Pilipinas. Sabik na sabik na kong makita kayo"
"Pagkauwi ko sa Pilipinas ay nagulat ako sa report ni Billy na nasa Manila kayo maging ang mga bata, sakto rin na nag apply ka ng proposal para sa farm nyo, kaya naman kahit kulang kayo sa machinery ay tinanggap ko yun, dahil ang Daddy ko ang nanggigipit sa Papa mo, si Daddy ang pinagsanglaan nya ng lupain nyo, dahil sa kagustuhan ng Daddy ko ng mas malaking lupain para sa negosyo ay desperado syang mapasakanya ang lupa nyo"
"Bago ako umalis ay nalaman ko yun kay Billy, kaya naman kesa mahirapan pa si Mang Ricardo ay napagpasyahan kong kausapin si Daddy na wag ang lupain nyo dahil alam ko kung gaano kahalaga yun sayo"
"Kung hindi mo napapansin ay wala nang naniningil sa inyo, pero kusa ka pa rin nagbabayad, patawarin mo ko dahil sa akin naghirap kayo"
Hindi ko na napigilan humagulgol, lahat ng sakit at hirap na naranasan ko ng mawalay sila sa akin ay unti unting bumabalik sa akin.
"Ming patawarin mo ko kung naging duwag ako ipakilala kung sino ako, madalas kase ay ginugusto ako dahil sa meron ako hindi dahil sa kung sino ako"
I call myself a man, but I'm not man enough for her, I'm thankful that she's brave enough to overcome everything happened.
"Pagdating ko sa Pilipinas ay kayo agad ang gusto ko makita, gustong gusto ko na kayo mayakap, pero alam kong galit ka, kaya naman nagplano ako na di ka makawala sa akin, kahit mag apply ka sa iba ay di ka tatanggapin dahil sa utos ko, sorry Ming kung makasarili ako, mahal na mahal lang talaga kita"
"Nagpagawa agad ako ng bahay, dala ang pangarap na balang araw ay mabubuo tayo, nangangarap na doon na lalaki ang mga bata, lahat ng disenyo ng bahay na yun ay ang lahat ng pangarap mo"
"Sorry Ming, kung nung una ay pinipilit kitang pakinggan ako na di man lang iniisip na masakit para sayo ang lahat ng nangyari, di ko naisip na nasasaktan ka sa tuwing nakikita ako"
Pareho kaming umiiyak, sa tingin ko ay naipaliwanag ko na ang lahat ng nangyari, kasalanan ko ang lahat, kung nung una pa lang sana ay naging tapat na ko baka sakaling di kami humantong sa ganto.
Pinunasan ko ang luha nya na patuloy sa pagpatak. Hinihintay ko syang magsalita, pero patuloy lang sya sa pag iyak.
Niyakap ko sya at pinapatahan, nilibot ko ang tingin ko sa sala at sa kabuuan ng bahay.
"Ming I am sorry, sorry sa lahat. Tumahan ka na"
"Chu, hayaan mo muna ako umiyak, maya maya ay ako naman ang magkkwento"
"Hindi ka ba galit?"
Umiling sya kaya naman napabuntong hininga ako, nagpapasalamat na magkakaayos na kame.