Nathan POV
Sa araw araw naging routine na namin ang sabay umuwi, didiretso kame sa bahay nila at magsstay ako dun ng ilang oras para makipaglaro sa mga bata. Unti unti rin ay kinakausap na ko ni Jelhien ng maayos. Masasabi kong umaapaw ang saya ko sa mga nangyayari.
Kahit pa maayos na kame ni Jelhien, hindi pa rin ako tumitigil sa pangliligaw, sa umaga ay lagi ko pa rin syang pinapadalhan ng bulaklak at kung ano anong pagkain. Hindi na rin ako namimilit na ipaliwanag ang buong rason ko bakit ako umalis noon, aantayin ko ang panahon na handa na sya makinig sa akin.
"Goodmorning Ming, ang aga aga nakasimangot ka" twag ko sa kanya sa cellphone, ganto kame palagi, nakikita ko naman kase sya sa CCTV pag dumadating sya sa office. Para kaming teenager na magkatxt at magkatawagan sa maghapon.
"Ang traffic kase, nahirapan ako sumakay muntik na tuloy ako ma-late" nakangusong sagot nya saken sa linya
Maya maya pa ay nagmmake up na sya.
"Dati di ka naman nagmmake up, kanino ka naman nagpapaganda" inis na tanong ko sa kanya
Di sya sumagot at tumawa lang.
"Palagi ka pa nakamini skirt o di kaya ay fit na dress, ipagbawal ko kaya yan. Siguro dapat magprovide na lang ako ng uniform yung slacks at polo para di ka nagssuot ng ganyan"
"Hahaha. Kailangan ko magpaganda, sino pang papatol sakin kung di ako mag aayos, kahit pa 2 na anak ko dapat maganda ako araw araw, atsaka nahahalata ko pagdating na pagdating ko sa office tatawag ka na, nakikita mo rin ang suot ko, may camera ba dito sa tabi ko?"
"Nagpakabit ako ng CCTV hehehehe, sabay tayo maglunch mamaya, wala akong lunch meeting, saka kahit di ka magpaganda, nandito naman ako papatol sayo bakit ka pa maghhanap ng iba"
"Ang landi mo, sige na mamaya na lang magttrabaho na ko" natatawang sagot nya.
Binaba na nya ang linya, pero di ako nakuntento at nagtxt pa ko sa kanya.
"Lunch tayo mamaya a, punta ka rito sa office ko "
Di naman sya sumagot, tiningnan ko sya sa monitor ko at busy na sya kakatype.
"Bosssss!!! Kamusta may progress na ba kayo ng misis mo?"
"Ano ba Billy, di ka ba marunong kumatok? Bigla bigla ka na lang pumapasok." Panira ng mood to si Billy.
"Wooshooo, nakangiti ka pagpasok ko, mukang kinikilig ka a"
"Hindi a, lumayas ka na marami ako ginagawa"
"Ah ganyan ka, naglilihim ka na sa akin ngayon, sige di na kita tutulungan" pagbabanta nya pa sa akin
"Medyo maayos na kame, saka kilala na ko ng mga anak ko" pag uumpisang kwento ko sa kanya.
Knwento ko lahat ng nangyari mula ng pumunta ako sa bahay nila Jelhien, paglingon ko sakanya ay nakangiwi sya kaya naman huminto ako sa pagsasalita
"Ano yun? Bakit ang panget ng muka mo?" Pagtataka ko sa mukha nyang nakangiwi
"Kakadiri ka, ang laki laki mong tao kilig na kilig ka? May patakip takip ka pa ng bibig saka ka mahinhin na tatawa? Magkkwento ka lang may kasama pang kilig mo? Kadiri!!"
"Hahahahaha e sa masaya ako wala kang magagawa, lumayas ka na nga at busy ako"
Jelhien POV
Lunch na at nagkaroon pa kame ng department meeting.
"Saan ka na? Gutom na ko Ming"
Kanina pa nagttxt si Nathan, di naman ako makapagreply dahil na rin nagsasalita ang Dept. Head namin.
"Mahigpit ang bagong CEO, kanina ay nagkaroon ng meeting at ultimong kunting pagkakamali ay nasisita, kaya naman lahat ng report na ipapasa nyo ay pakidouble check. Bata pa kase ang CEO kaya napakametikuloso pa" sabi ng aming Dept. Head
"It's not about the age Madam, it's about doing things right. Ako, naniniwala ako na dapat sa umpisa pa lang gawin mo na ang tama para maiwasan natin ang redundunt of work"
Nagulat ang lahat ng pumasok si Nathan sa Department namin, maging ang Head namin ay nagulat.
"Goodafternoon Sir" isa isang bati namin.
"Ano pong kailangan nyo Sir?" Tanong ng Head namin bagamat ang mukha nya ay napapahiya
"Ms. Javier, follow me to my office" ayun lang at lumabas na sya. Tumayo naman ako at susunod na sana pero hinawakan ako sa braso ng head namin.
"Napakasungit ng bagong CEO napakahigpit sa lahat ng bagay, goodluck sayo baka sabunin ka rin" inis na sabi sakin ng Head namin, natawa naman ako.
Kahit minsan ay hindi nagsungit sa akin si Nathan ng ganon, simula una ay napakabait na nya sa akin, kaya naman hindi ko rin alam na may ganong side pala sya. Bali balita rin sa office ang pagiging mahigpit nya at masungit.
Paglabas ko ay nag aantay si Nathan sa elevator.
"Kaya pala di ka nagrreply, nagmmeeting kayo, kung kailan lunch saka nagpameeting" masungit nyang bungad sa akin.
"Hahaha. Sungit"
Pagpasok namin sa elevator ay hinawakan nya ang kamay ko, hanggang makarating kame sa office nya ay hawak nya pa rin ang kamay ko.
Handa na ang pagkain sa center table nya. Steak, pasta at vegetable salad.
Hindi pa naman ako sanay ng walang kanin.
"Kain na tayo Ming"
Habang kumakain kame ay nagkkwentuhan kame, sa bawat araw na nagdaan ay magaan na ang pakiramdam ko, wala na kong makapang galit sa puso ko.
"Antayin na lang ulit kita sa sakayan mamaya?"
Tanong ni Nathan, katatapos lang namin kumain at nabusog rin naman ako kahit walang kanin.
"Txt na lang ako baka mag OT kame, ikaw kase ang sungit mo daw, pinapaulit mo daw yung monthly report" pang aasar ko sa kanya
"Susunduin kita dun mamaya pag nag pa OT, para makaiwas ka hehe, kailangan ulitin kase mali mali"
"Ang swerte ko naman, may taga salo ako pag ayaw ko mag OT haha"
"Ofcourse, you're the CEO's wife" kindat nya sa akin.
Bumalik na ko sa office at kinamusta ako ng Head namin kung napagalitan daw ako, sinabi ko na lang na oo at nag umpisa na sya magreklamo tungkol sa bagong CEO.
"Ikaw Jelly a, bongga talaga ng mangliligaw mo, nakita kita kahapon sumakay sa sports car dun sa may sakayan" asar sa akin ni Tin
Kinabahan ako, hindi kaya alam na nila?
"Nakita mo ko?"
"Oo, sayang nga lang at di ko nakita yung mangliligaw mo"
Hayy salamat.
"Iba na talaga pag maganda ano, tingnan mo mangliligaw nyan Mam, araw araw may paflowers at kung ano ano pang food" kantyaw pa ng isang ktrabaho ko
Sa araw araw ay palagi na lang akong natutukso dahil sa kung ano anong nasa mesa ko. Minsan nga ay kinukulit nila ako na ipakilala sa kanila ang mangliligaw ko daw.
"Nathan, may nakakita sa atin kahapon, nakita ako ni Tin na sumakay sa kotse mo, baka malaman nila" txt ko kay Nathan
"So what? Panget ba ko at ayaw mo ko ipakilala?" Reply nya
"Basta mahabang paliwanagan pa kase pag nalaman nila, di na ko sasabay sayo kung gusto mo dumiretso ka na lang sa bahay"
Hindi naman sya nagreply. Kaya naman nung uwian na ay di na ko nagtxt sa kanya na pauwi na ko, pero habang naglalakad ako sa sakayan ng bus ay sumusunod ang kotse nya sa akin, nilibot ko naman ang tingin ko at baka may makakita sa amin na katrabaho, may naglalakad sa di kalayuan sa akin na katrabaho ko kaya naman hindi ko sya pinansin hanggang sa pumila na ko sa sakayan, pero nakasunod pa din si Nathan.
Huminto ang sasakyan nya sa tapat ko, pinagtitinginan tuloy ng mga tao. Hindi naman ako kumilos at nagtxt lang sa kanya na mauna na sya. Pero bumusina sya ng bumusina sa tapat ko.
"Miss ikaw ata ang pinapasakay" kalabit sa akin ng katabi ko
"Kanina pa nakasunod sayo yang sasakyan diba? Di naman siguro kidnapper yan naka sportscar e" dugtong pa ng katabi ko
Dahil sa ingay ng busina nya at nakakahiya na rin sa mga tao ay dali dali akong sumakay sa kotse nya.
"Ano ka ba! Baka may makakita sa atin" bungad ko kay Nathan pagkasakay ko
"Wala akong pakialam, wala namang mali sa ginagawa natin a"
Tiningnan ko ang postura nya at talaga namang laging fresh na fresh ang itsura nya, kung kanina ay formal na formal sya sa coat nya ngayon ay nakacasual na sya sa Vneck shirt nya at maong short.
"Lagi ka may baong damit ano?"
"Syempre, ang init sa bahay nyo e kaya nga nagpabili ako ng electric fan e hehe, para komportable din ako habang nakikipaglaro sa mga anak ko"
Spoiled na spoiled ang mga bata kay Nathan, si Carrick ay nagpapabili pa ng mga dinosaur toys dahil yun ang hilig nya kaya naman nangako si Nathan na dadalhin silang dalawa sa toy store sa weekend, sa araw araw tuloy ay tinatanong ni Calleigh kung ilang tulog pa bago mag weekend.
"Sinasanay mo ang mga bata na makuha kung ano ang gusto"
"I am their father, at ibibigay ko talaga lahat ng gusto nila, gusto ko sila iispoiled"
Sa totoo lang ay ayaw ko ng ganon, ako naman ay hindi ganon lumaki.
"Maliit lang ang bahay namin, panay bili mo ng laruan sa kanila, di ko na alam saan ko itatambak"
"Ming, hindi naman sa minamadali kita, pero sana pag isipan mo. Gusto ko sanang lumipat na kayo sa bahay na pinagawa ko, gusto ko sanang magsama sama na tayo. Kukuha ako ng yaya para hindi rin gaano mahirapan ang mama mo sa pag aalaga sa mga bata"
Napaisip ako, kung lilipat kame sa bahay ni Nathan ay sign na rin yun na pinapatawad ko na sya. Karapatan naman ng mga bata ang magkaroon ng maayos na bahay at maayos na pamilya. Handa naman na ko magpatawad, pero gusto kong malinaw ang lahat ng bagay sa amin bago kami mag umpisa ulit ng bagong buhay.
"Nathan, gusto ko sanang mag usap muna tayo ng problema natin, ayusin muna anuman ang naiwan sa nakaraan natin, bago ko sabihin sa mga bata na titira na tayo sa iisang bahay. Hindi ko nga alam kung valid ba ang kasal natin, ang apelyido nga ng mga bata ay iba rin"
"Our marriage is valid, ipapaayos ko na kay Billy ang marriage contract natin maging ang Birth Certificate ng mga bata. Pwede naman tayong magpakasal ulit, sa simbahan naman. La Tierrez ang surname natin Ming, ang Del Mundo ay middle ko"
Nakahinto na kame sa tapat ng bahay at ang dalawang anak ko ay nakatanaw na sa bintana, palagi silang ganyan, inaabangan nila palagi ang pagdating ng Papa nila, sasalubungin nila palagi si Nathan ng yakap at tuloy tuloy na sila sa paglalaro.
"Ming, bukas na bukas ay mag uusap tayo, gusto mo bang sa bahay na pinagawa ko tayo mag usap para tahimik? Maghalfday tayo pareho, aantayin kita sa parking lot bukas"
Tumango lang ako bilang pag sang ayon. Bukas na bukas ay mag uusap kami, bukas ay aayusin na namin anuman ang problema sa aming nakaraan at maguumpisa ng panibagong buhay. Kahit ilang taon na ang nakalipas, si Nathan pa rin talaga ang tinitibok ng puso ko, hanggang ngayon ay mahal ko pa rin sya.