Sweet as Sugar

1926 Words
Nathan POV "Boss! Bayadan mo ko, ako nagbayad sa bulaklak, hapit ako ngayon e" bungad sakin ni Billy umagang umaga "Hindi ba kita pinapasweldo? Palagi ka na lang walang pera! O ayan bayad ko, baka di ka pa makatulog" napaka talaga netong taong to. Habang nakatambay sya sa opisina ko ay knwento ko ang naging pag uusap namin ni Jelhien. "Boss tanga ka talaga. Bakit mo ba kase sya pinipilit? Ang tanga tanga!" Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya. Wala talagang galang to si Billy. "Joke lang Boss. Pero bakit mo nga kase sya pinipilit? " Inis na inis na tanong nya saken "Gusto ko ng maayos ang pagsasama namin para mabuo na yung pamilya namin. Gustong gusto ko ng makasama mga anak ko" "Kaso nga galit pa sayo yung Mommy, atsaka panigurado nga di ka kilala ng mga anak mo, 2 yrs old lang ng iwan mo ang panganay mo, at since birth naman di ka nakita ng bunso" "Kaya nga gusto ko ng magkaayos kame para makilala na ko ng mga anak ko" malungkot na sabi ko "Wag mo madaliin, ligawan mo ulit. Babae yan lalambot din puso nyan, sabihan mo nga na maganda sila kahit di naman kikiligin na yang mga yan" "Wala akong tiwala sayo, kaya pala humantong ang marriage mo sa annulment" "Kaya nga Boss wag mo na antayin na dumating din kayo don" Tama naman si Billy, siguro nga ay masyado ko syang pinipilit, siguro nga ay di pa sya handang pakinggan ako. Kailangan ko sigurong mangligaw ulit. "Pano ba gagawin ko?" Tanong ko kay Billy, at nagngiting aso naman sya. "Wala palang tiwala a, leave it to me, ako bahala" Jelhien POV “When you hold resentment toward another, you are bound to that person or condition by an emotional link that is stronger than steel. Forgiveness is the only way to dissolve that link and get free.” Catherine Ponder I received a txt with that quote. Sino naman kaya to? Maya maya pa ay may txt na naman. “The act of forgiveness takes place in our own mind. It really has nothing to do with the other person.” Louise Hay Parang nangongonsensya naman to, mukang kilala ko nato. “To forgive is the highest, most beautiful form of love. In return, you will receive untold peace and happiness.” Robert Muller May txt na naman. Talaga naman walang plano tumigil to. Maya maya pa ay tumawag, napipikon ko namang sinagot yun. "Ano ba!!!! Wala akong konsensya tigilan mo kakatext ng quotes, saka saan mo nakuha number ko ha?" Inis na inis na sigaw ko "Sa HR" sagot nya "Di mo ba alam yung Data Privacy Act?" "Well, I am the boss, di tatalab ang Data Privacy Act na yan saken" Napabuntong hininga na lang ako sa kanya, talaga nga naman na hindi kkwestyunin ng HR ang pagkuha nya ng personal information ko. "Ano na naman kailangan mo? Sabado ngayon, hindi ba pwedeng sa office ka lang mangbwisit?" "Wag ka na masungit, pwede ba tayong lumabas ? Kasama ang mga bata?" Sa araw araw ay palagi si Nathan nagpapadala ng kung ano ano sa mesa ko, minsan ay flowers and chocolate. Minsan ay pagkain na inorder sa mamahaling restaurant, madalas tuloy ako tuksuhin ng mga ktrabaho ko na sagutin ko na daw ang mangliligaw ko. Sa bawat effort na ginagawa nya ay aaminin kong lumalambot ang puso ko, may parte ng utak ko na nagsasabi na bigyan ko sya ng 2nd chance, pero sa tuwing naiisip ko ang nakaraan ay di ko maiwasang maiyak. "May part time ako ngayon, hindi ako pwede" Tuwing weekend ay nag oonline tutor ako pangdagdag kita para pangbayad sa utang namin. Ganto ang naging buhay ko mula ng iwan nya kame, hindi ko afford magpahinga kaya kahit weekend ay kumakayod ako. "Anong part time? Di ba pwede ipagpaliban?" Nakikiusap ang tono nya sa linya. "Hindi" matipid kong sagot "Okay, sayang naman ang outfit ko at effort pumunta sa inyo, tambay na lang ako sa bahay nyo, para makilala naman ako ng mga bata" Nagulat ako sa sinabi nya at nilingon ko ang bintana, nakasandal sya sa kotse nya habang kausap ako sa cellphone. Hindi ko alam ang gagawin ko, baka makita sya ni Mama, hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag na Boss ko si Nathan. Hindi ko alam kung magagalit ba sya kay Nathan, bago pa man ako makapag isip ay pumasok na sya sa bahay. Alas syete lang ng umaga at tulog pa ang mga bata, maging si mama ay natutulog pa.  "Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka ni Mama, di nya alam na ikaw ang Boss ko ngayon at kayo din ang client namin ng cacao" Nung iwan nya kame ay umuwi ako sa bahay namin bitbit si Carrick, umiyak ako ng umiyak kay Mama pero di sya nagsalita laban kay Nathan, hindi rin sya nagalit basta ay lagi lang syang nasa tabi ko noon at inaalagaan si Carrick, si Papa naman ay galit na galit at kung ano anong sumbat ang sinabi sa akin, kaya naman mas lalo ako nalugmok sa sitwasyon ko, mas lalo pa kong nadepress ng malaman kong buntis ulit ako. "Handa ako magpaliwanag sa mama mo, tulog pa ba ang mga bata?" Tanong nya habang iinikot ng tingin ang buong kabahayan, maliit lang ang apartment na to, isa lang ang kwarto kaya naman madalas sa labas na lang ako natutulog at si mama ay katabi ang mga bata, ang bawat picture frame ay tinitingnan nya. "Oo, maaga pa naman, si Mama rin ay tulog pa" "Okay aantayin ko ang paggising nila" Ang bahay namin ay mas lalong nagmukang maliit dahil sa presensya ni Nathan, katulad dati ay muka syang mamahalin mula ulo hanggang paa, ang sasakyan nyang nakaparada sa tapat ng bahay ay pinagtitinginan ng bawat nagdadaan. "Meron akong dalang breakfast galing pancake house, sabay sabay tayong mag almusal mamaya" Kampanteng kampante syang nakaupo sa maliit naming sofa habang nanonood sa maliit naming tv. Pinagmmasdan ko lang ang postura nyang init na init dahil sa longsleeve na suot nya. Bahala ka, isa lang ang electric fan namin at dapat nakatutok sa laptop ko yun para di uminit. "Nathan iho? Ikaw na ba yan?" Nagulat ako sa pagsulpot ni mama, bakas ang pagtataka sa muka nya. "Opo, gusto ko po sanang magpaliwanag sa inyo  tungkol sa nangyari, ngayon po ay binabalikan ko ang aking mag iina, sana po ay patawarin nyo ko" tuloy tuloy na sabi ni Nathan kay Mama habang nakayuko. "Hindi mo sakin kailangan magpaliwanag, hindi naman ako ang umiyak ng umiyak dahil sa pag alis mo" masungit na sabi ni Mama Ganyan nga mama pahirapan mo yang isang yan. Sungitan mo lang. "Gusto ko pa rin po ipaliwanag na hindi ko po ginustong umalis, masyado pong magulo ang buhay ko noon, umalis ako para ayusin at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko" "Ano pa man ang paliwanag mo, nasaktan mo na ang asawa mo, pagbutihin mo at ayusin nyo na yan lumalaki ang mga bata na hindi buo ang pamilya" Ano ba Ma!!! Akala ko pa naman ay magagalit ka, hindi ganto ang inimagine ko, akala ko ay magagalit ka at iiyak at susumbatan si Nathan.  Paglingon ko ay ngiting tagumpay si Nathan, alam nyang hindi galit si Mama sa kanya. "Opo, may dala po akong almusal para sa atin"  abot nya kay Mama ng isang supot ng Pancake House. "Wow mukang masarap to iho, ihahain ko na at gigisingin ko na ang mga bata at sabay sabay na kayo mag almusal" Akala ko pa naman ay hindi na makakabalik si Nathan sa bahay dahil sa galit ni Mama, ayun pala ay mas marupok si Mama kesa sakin. Masaya ang mukha ni Nathan, nakaupo na rin sya sa mesa habang hinahain ni Mama ang dala nyang pagkain. Maya maya pa ay lumabas ang mga anak kong pupungas pungas pa ng mata. "Mama sino yan?" Tanong ni Calleigh sa akin, habang si Carrick naman ay nakatingin lang at ayaw lumapit. Halos maiyak iyak ang mata ni Nathan ng lumapit sya sa anak namin. Lumuhod sya kapantay ni Carrick na nakatitig lang sa kanya, niyakap nya to at tuluyan ng pumatak ang luha nya. "Ikaw ba ang Papa ko?" Kaswal na tanong ni Carrick sa kanya, at tumango naman si Nathan, di naman nagttanong si Carrick tungkol sa Papa nya kaya naman nagtaka ako ng sabihin nya yun. "Magkamuka tayo, kaya alam kong ikaw ang Papa ko" sabi ni Carrick na lalong nagpaiyak kay Nathan, niyakap sya pabalik ni Carrick, naiyak rin ako sa eksena nilang mag ama. "Mama ako nasaan ang Papa, bakit si Kuya lang binilhan mo ng Papa?" Maktol ni Calleigh na nakaupo sa kandungan ko, natawa ako sa napakainosenteng turan nya, maging si Nathan at Mama ay natawa. "Ako rin ang Papa mo, come here my little girl" Pag aaya ni Nathan kay Calleigh na bumaba naman sa kandungan ko. "Kamuka ni Daddy ang bunso ko" Napansin ko rin yun mula ng niresearch ko ang pamilya nila Nathan, ng pinanganak ko si Calleigh ay di ko makita kung sino ang kamuka nya, malayo ang muka nya sakin, may pagkakahawig rin naman sya kay Nathan, madalas ding tanungin kung foreigner ba ang tatay ni Calleigh. Akala ko pa nga ay naipalit sya sa ward. Masaya kaming nag almusal, walang tigil kakakwento ang bunso ko, maging si Carrick ay ngumingiti na dati naman ay palaging nakapoker face. Pinagmasdan ko ang mag aama, sa tingin ko ay mas kumpleto ang buhay ng anak ko kung may ama sila. Siguro dapat kong isang tabi ang personal kong galit at wag kong ipagdamot sa mga anak ko na magkaroon sila ng ama, isa pa aminado naman ako na mas kaya ni Nathan mabigyan ng magandang buhay ang mga bata. Pagkatapos nila mag almusal ay kinuha ni Nathan ang mga laruan na binili nya para sa mga bata. Binilhan nya ng malaking Unicorn stuff toy si Calleigh at si Carrick naman ay Lego, bilang mga bata ay tuwang tuwa sila. Hindi ko sila sinanay na bilhan ng laruan, masyado akong busy maghanap buhay kaya kahit ipasyal sa mall ay di ko nagagawa. Masaya ko silang pinagmasdan, nakasalampak si Nathan sa sahig na nakikipaglaro ng Lego kay Carrick at si Calleigh naman ay nakakandong sa kanya, mabilis napalagay ang loob ng mga bata sa kanya kaya naman bakas rin ang saya sa mukha ni Nathan. Kung hindi nya kame iniwan ay masasabi kong perpektong asawa si Nathan, responsable syang tao at masipag sa bahay, maging pag aalaga sa bata ay kayang kaya nya, hindi ko sya narinig na umingit sa puyat noon sa pag aalaga kay Carrick. Sweet din syang tao kaya naman kahit sinong babae ay wala ng hahanapin pa sakanya. Mula ng araw na yun ay palagi na syang dumadaan sa bahay, pagkatapos ng office hour ay tatawag na sya sakin at sabay kame uuwi sa apartment, pagtapos ng ilang oras na pakikipaglaro sa mga bata ay pauuwiin ko na sya, madalas ngang sabihin ni Mama na sa bahay na matulog, pero wala naman syang pwesto doon. At unti unti rin ay nagiging handa na ko makipag usap sa kanya. Handa na ko makinig ng paliwanag nya, handa na ko ayusin ang pamilya namin. Kailangan kong ibaba ang pride ko para sa mga anak ko, ang saya ng mga anak ko sa tuwing kumpleto kaming kumakain sa gabi, sabay sabay kaming kakain ng hapunan habang nagkkwento ang bunso kong anak. Bukas na bukas ay kakausapin ko na sya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD