Office War 2

1783 Words
Nathan POV Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa office, aayain ko sya maglunch, uunti untiin ko ang pagpapaliwanag , may mga bagay pa rin kase akong hindi nasasabi katulad ng tunay na sadya ko kung bakit ako napunta sa farm nila. Kailangan kong tanggapin ang bawat masakit na salita nya hanggang sa gumaan ang pakiramdam nya. "Boss eto na ang Pasta at fruit platter, minsan di ko alam kung Sales Director ba ko o alila mo e" pagrreklamo ni Billy "Billy, alam mo bang gustong gusto kita ipatapon sa Bermuda Triangle dahil sa pang iistorbo mo kahapon?" "U can't do that, I am your 1st lover ya know that" malanding tugon nya habang ang mata nya ay naniningkit na kunwari ay inaakit ako. Siguro dapat ipatapon ko na lang sya sa taniman nila Jelhien, tutal mahilig naman yan sa kalabaw. "Bukas na bukas ay lumipad kang Palawan, pag nakikita kita ay naaalala ko ang pagkabitin ko kahapon" galit na galit kong sabi sa kanya. Pagkalingon ko ay nakanganga sya takip takip ng palad ang bibig nya, may pagka bakla pa ang bawat kilos ng lalaking to. "Boss, naka score ka na di pa kayo magkaayos nyan a. Sinasabi ko sayo Boss kapag nagmamadali ay masakit ang pagkakadapa, tingnan mo ko, my marriage ended quickly" malungkot na sabi nya habang himas himas ang dibdib nya. Annulled nga pala ang isang to, ang kasal nya ay halos tumagal lang ng isang taon. "Bading ka daw kase kaya iniwan ka" "Nagmmove on na ko. Kaya naman wag mo hayaang tuluyang makamove on sayo ang misis mo, ilalagay ko na ba sa table nya tong pagkain?" "No, ako mismo magbbigay sa kanya nyan" Inaabangan ko ang pagdating nya, titig na titig ako sa monitor ko kahit pa wala pang tao sa upuan nya. Maya maya pa ay dumating na sya at naka suot sya ng dress na hapit na hapit sa katawan nya , ang damit na yun ay yumayakap sa hubog ng kanyang katawan. Noon pa man ay ayaw kong nagddamit sya ng ganyan. Pagkaupong pagkaupo nya ay nagmake up na sya, dati naman ay pulbos lang ay okay na sya. Marami na rin palang nagbago sa misis ko. Akmang aalis na ko para ayain sya mag almusal ng may lumapit sa kanyang lalaki, pinagmasdan ko sila at nagtatawanan sila. Umakyat ang galit sa ulo ko, walang pwedeng lumandi sa misis ko, talagang sa teritoryo ko pa? Hindi na ko nag isip, wala na kong pakialam kung ano man isipin nila. Pagdating ko ay nag uusap pa rin sila at nagtatawanan kasama ang kalandian ni Billy na si Kristine. "Nako single pa naman yan si Jelly, alam mo ba maganda na matalino pa yan" pagbbugaw ni Kristine sa lalaking nakalongsleeve Tss, kung ibubugaw mo lang din ang kaibigan mo bakit hindi pa sa akin, I am better in every way. Sino ba yang lalaking yan? "Baliw, mas matanda ako sa inyo, muka lang akong bata pero 27 na ko, kayo 21 lang" tawa naman ni Jelhien Aba nakikipaglandian rin, parang walang asawa  at anak. Masyado silang busy kaya di nila napapansin na nakatayo lang ako dito. At teka, kung magkaedad pala sila papatulan nya yang lalaking yan, tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang lalaking nakaupo sa tabi nila. Ang payat payat, di tulad ko macho with abs pa , moreno, maputi ako tss, mas matangkad ako, mas gwapo rin ako walang duda. "Age doesn't matter naman Mam Jel" sagot rin ng lalaki. Aba !!!! "Naglalandian lang ba kayo palagi sa office?" Galit kong sermon sa kanila, kanina pa ko rito pero di nila ako napansin, masyado silang nalilibang sa pakikipaglandian. Grr!! "Goodmorning Sir!" Sabay sabay nila akong nilingon "Ikaw!" Turo ko sa lalaking payat "Anong pangalan mo at saang department ka?" "A Sir, Carlo Bulos po sa Collection po ako" "Sa Collection ka pero nasa Credit Dept. ka? Sa kabilang room ang Collection diba? Go back to work, kung ayaw mong mawalan ng trabaho" Dali daling umalis ang lalaking payat, tsss takot ka naman pala, pero di ka natakot landian ang asawa ko tssss. "Ikaw, come to my office right now!!!!" Galit na galit ako kay Jelhien. 2 na anak namin kung makapagpacute naman akala mo teenager. Ang ganda ng plano ko ngayong umaga tapos sisirain nya lang nakakainis. Plano ko sanang sabay kame mag almusal at tanghalian.  Sabay kaming kakain habang nagkkwentuhan tungkol sa mga bata. Nauna akong bumalik sa office ko, at maya maya lang ay pumasok sya sa office ko. "What was that?" Bungad kong tanong sa kanya "Alin?" Maang maangan nyang tanong   Huh!! Pagtapos makipaglandian, nagmmaang maangan. "Umupo ka nga dito, baka nakakalimutan mong may asawa at anak ka na? Saka kung makikipaglandian ka lang din bakit hindi na lang sa kin?" "Ha? May asawa ba ko? May anak lang pero walang asawa, saka sinong nakikipaglandian?" "Nakalimutan mo na din bang kinasal tayo?" "Ang pinakasalan ko ay si Nathan Del Mundo, ang pangalan mo ay Nathaniel George La Tierrez, di ko nga alam kung valid ang marriage na yun, isa pa, sino yung pinakilala mong magulang? Nagsearch ako at nakita ko ang picture ng parents mo!" "Pwede naman ako magsubmit ng Affidavit of one and the same person, at yung dala kong parents noon ay ang yaya ko at asawa nya." "Grabe pala ang pangloloko mo, pati magulang ko niloko mo. Ang apelyido ni Carrick ay Del Mundo pa, si Calleigh ay sa akin naka apelido. Kung sana hindi kita nakilala, baka sakaling Accountant na ko ngayon, sana wala akong anak na nagdusa dahil sayo, sana naging proud sakin si Papa" umiiyak na sumbat nya sa akin. Alam ko naman ang lahat ng iyon. "Pinagsisisihan mo ba ang magka anak tayo?" "Di ako nagsisisi na nagkaanak ako, nagsisisi ako dahil ikaw pa naging ama nila" "Aayusin ko lahat Ming, lahat lahat, handa akong magpaliwanag sa magulang mo" "Wag na. Huli na ang lahat. Sana ay tigilan mo na lang ako" Jelhien POV Di ko na hinintay pang magsalita sya at umalis na ko ng opisina nya. Nakakapang init ng ulo sa  umaga. Wala akong magawa, mukang kahit mag apply ako ng trabaho sa iba ay di ako matatanggap maging ang proposal ko sa ibang company ay narreject rin. Nagkulong ako sa cubicle ng cr at umiyak. Langyang buhay to, di ko alam bakit nangyayari saken to. Sa loob ng ilang taon na iniwan nya kame ay mas malaking problema ang sinalo ko. Nung gabing umalis sya, iniwan nya ang isang bag na pera kasama ang title ng bahay na tinitirhan namin. Ang title ay nakapangalan sa akin kaya naman di ako nagkaproblema ng ibenta ko yun. Muntik na ko makunan noon dahil di ko rin alam na buntis pala ulit ako, palagi akong umiiyak at halos di ko na naaasikaso si Carrick, naging maselan ang pagbbuntis ko kay Calleigh at umabot pa sa panganganib ng buhay naming mag ina. Kaya naman hindi ganun kadali sa akin ang patawarin si Nathan. Hindi lang iyon ang nangyari, ginigipit kame ng pinagsanglaan ni papa ng lupa dahil na rin nagkasakuna nahirapan kame makabangon para makabenta. Habang isa isang inaalala ang sinapit ko noon di ko mapigilang tahimik na humagulgol. Mula ng umalis sya ay nagkasunod sunod ang naging dagok sa buhay namin. Ang makita lang si Nathan ay kusa kong naaalala lahat ng sakit ng kahapon. "Jelly, bat napapadalas pagtawag sayo ng CEO?" Pagttanong sakin ni Tin pagkabalik ko sa  upuan ko "Wala yun, dahil lang yun sa cacao farming" pagdadahilan ko, pero mukang di sya kumbinsido. Lumapit sya sakin as in sobrang lapit, halos magkadikit na ang muka namin "Magkapalit naman tayo ng muka, luge ako" pagbbiro ko kay Tin dahil mukang seryosong seryoso sya. "Ano ba, may ittsismis kase ako sayo kaya dapat wala makarinig" "Di ako interesado" "Tungkol to sa CEO, nakalap ko ang tsismis na to mula sa mga matatagal na sa company" Biglang napukaw ang atensyon ko sa sinabi nyang iyon kaya naman nakinig rin ako sa tsismis nya. "Ang sabi sabi, naglayas daw yan si Sir 5 or 6 yrs ago, kase ayaw daw nun sa negosyo at bukod pa don ay ina arranged marriage sya sa isang anak ng may ari ng sister company ng Kennemer Corp., pero naging usap usapan daw na kinasal sya sa girlfriend nya talaga, kaso walang may alam kung sino yung gf na asawa na nya at may anak din daw, kaya baka nilalandi ka nun wag ka papatol may asawa't anak na yun" "Saan mo naman nakuha yung tsismis na yan?" Kinakabahan ako kase kung hinahanap si Nathan noon baka natrace din nila ang mga anak ko.  "Balitang balita yun nung party, nung dineclare na sya na ang new CEO" Ayun siguro ang dahilan kung bakit sya napadpad sa Palawan noon. Patuloy lang si Tin sa pagkkwento ng mga tsismis na nakalap nya raw. "Kaya ikaw Jelly, wag ka bibigay kung ligawan ka ni Sir Nathan, kahit gwapo pa yan may asawa't anak na yan" dagdag na sermon nya pa "Tingnan mo si Billy ko, may ex wife sya pero walang anak, okay lang yung ganun walang sabit saka wala nang bisa kasal nila kase annulled na" Di nga pala alam ni Tin na may anak na ko. Wala rin naman ako planong sabihin. "Nung una nga ay si Sir Nathan talaga ang pinakacrush ko, mula pa noon na nakikita ko sya sa picture" Ganyan yan si Tin walang tigil ang bibig kakadaldal. Minsan nga ay wala syang natatapos kakadaldal nya. "Delivery for Ms. Javier?" May isang messenger ang may dala ng napakalaking bulaklak. Nag tinginan silang lahat sakin at tinukso ako. "Ikaw Mam a, may bongga kang manliligaw" pang aasar ng isang ktrabaho ko sakin Di ko na sila pinatulan at tinanggap ko na lang ang napakalaking bulaklak na yun. Alam ko naman kanino galing to, pero nakakakilig din pala. Binasa ko ang card na nasa loob ng bulaklak. "All I can say is sorry, I hope you'll give me chance to correct everything. I love you Ming. Don't doubt my love for you" Nung nakilala ko si Nathan ay naging marupok na ko, dati naman ay wala akong katiwa tiwala sa mga lalaki dahil iisa lang naman ang gusto nila sayo. Kaya naman sobra ang naging tiwala ko kay Nathan, kase ramdam ko na totoo ang pagmamahal nya sa akin, kaya sobra rin ang sakit ng magising akong wala na sya. Ang hirap mabuhay dahil nasanay na kong nandyan sya palagi. Ngayon, alam kong gusto nya ibalik ang dating kame, pero handa na ba ko magpatawad? Handa ko na bang kalimutan ang lahat ng sakit na naidulot nya sakin? Maging ang mga nangyari sa buhay ko dahil sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD