Napakarami ko nang isinakripisyo para kay Zach, siguro oras na rin upang isipin ko naman ang aking sarili. Tama na 'yung mga nagawa kong kahibangan, oras na din siguro upang sumuko. Pagod na akong lumaban pa.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" malumanay niyang tanong. Nagpumilit siyang pumasok sa aking kwarto rito sa ospital nang malamang gising na ako. Tiningnan ko lamang siya ng malamig.
"I-im sorry," tahimik siyang umiyak habang hawak ang aking kamay. Hindi ko alam ngunit 'tila ubos na ang aking luha. Kahit sobrang nasasaktan na ako sa mga nangyayari, wala na akong mailuha.
"P-patawarin mo ako, anak ko." Hinimas-himas niya ang aking tiyan ngunit agad kong iwinaksi palayo ang kaniyang kamay.
"Stop this drama, Zach. Alam ko namang labis kang nasisiyahan sa mga nangyayari. Magsama kayo ng asawa mo, lubayan niyo na ako."
"K-kezia," pakiusap pa nito.
"Get out! Tama na, Zach! Hindi ka ba napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na! Ilang taon kitang hinabol at ipinaglaban kahit na alam kong wala akong mapapala sa iyo. Ubos na ubos na ako! Maging ang anak ko nawala sa kabaliwan ko sa'yo! Ayoko na, nakakapagod kang mahalin!" at tuluyan na ngang bumuhos ang aking mga luha, maging siya'y umiiyak pa rin.
"I-i'm sorry, nagkamali ako. Ginawa ko lang naman iyon para sa ikakabuti mo. Mahal kita, Kezia. Mahal na mahal! Patawarin mo ako kung pinaniwala kitang hindi kita mahal. S-sorry."
"Wala na akong paki-alam sa mga dahilan mo. Umalis ka na." Hindi na ako pwedeng mabulag sa mga sinasabi niya. Wala naman siyang ibang alam na gawin kundi ang saktan ako.
"H-hindi ko kayang mawala ka." He sighed heavily.
"Funny, try harder. You can't fool me anymore, Zach. Please, leave me alone!"
"Zach, umalis ka na muna. Hindi siya pwedeng ma-stress." Wala siyang nagawa nang hilahin siya palabas ni Tyrelle.
"Mahal ko siya pero pagod na ako!" hagulgol ko nang niyakap ako ni Caleb.
"Shhh. Bawal kang ma-stress. Mabibinat ka." Tahimik na lamang akong umiyak sa balikat niya.
"Kezia, anak!" patakbong lumapit si Daddy sa gawi ko.
"D-daddy!" binitawan ako ni Caleb upang mayakap ako ni Daddy. Muling bumuhos ang aking mga luha nang hinagod niya ang aking likod.
"Don't worry, nandito na si Daddy."
"S-sorry, Daddy. S-sana nakinig na lang ako sa inyo." Tiningnan ko si Mommy na nakangiti lamang sa gilid. I'm still lucky dahil kahit na hindi siya ang tunay kong Mommy, nanatili pa rin siyang mabait sa akin. Ang tunay kong nanay ay namatay nang ipinanganak niya ako.
"M-mommy," ngumiti ako sa kaniya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"It's okay, my dear." Pinunasan niya ang aking pisngi.
"Sasama na po ako sa inyo."
Buo na ang desisyon ko. Hindi ako agad makakausad kung nandito lamang ako sa Pilipinas. Alam ko kung gaano ako karupok pagdating kay Zach. Baka bukas makita ko na naman ang sariling nakayakap sa kaniya. At ayaw ko nang mangyari 'yon. Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko. And for me to do that, I need to distance myself from him.
"I will miss you," naiiyak akong niyakap ni Tyrelle. Nandito silang dalawa ni Caleb sa bahay upang magpaalam.
"Bibisitahin ka na lang namin kapag may bakanteng oras." Seryosong saad ni Caleb.
"Mag-iingat ka doon, ha? Baka pagdating mo roon may bago ka ng Zach na hahabul-habulin?" pang-aasar ni Tyrelle kaya inirapan ko na lamang siya.
"Iyong cellphone ko, itapon niyo na." Kinuha kasi nila ito noong naospital ako.
"Dead battery na nga e, minu-minuto ba namang tumatawag si Zach!"
"Don't mention his name."
"Paano kung sundan ka niya sa Korea?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Ha.ha.ha. As if, sino naman ako para sundan niya?" taas kilay ko ring sagot.
"Mahal ka niya, hindi ba?" ngisi naman niya. Tiningnan ko si Caleb upang makahingi ng tulong ngunit nanatili lamang ang seryoso nitong tingin sa akin.
"Kezia, are you ready?" bungad ni Daddy at Mommy.
"Yes po." Nakita ko silang pumasok na sa flying van, si Daddy ang magmamaneho.
"Mamimiss ko kayo!" niyakap ko ang dalawang taong totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa akin.
"Call us everyday, okay?" luhaan akong tumango kay Caleb habang si Tyrelle nama'y humihikbi na.
"Hindi pa ako mamatay!" biro ko ngunit sinamaan niya lamang ako ng tingin.
"I love you both," hinalikan ko silang dalawa sa pisngi bago pumasok sa sasakyan.
Hindi ko nais na iwan silang dalawa ngunit kailangan. I need time and space to heal.
Nanlaki ang aking mga mata nang lumingon ako sa kanilang gawi.
Pinipigilan nina Tyrelle at Caleb si Zach na makalapit sa aming sasakyan. Patakbo na ring lumapit ang aming mga guard robot.
"A-anak? Jazon! " kunot noo akong napatingin kay Mommy na titig na titig kay Zach.
"W-why, Mommy?" umawang ang aking labi nang tumulo ang mga luha nito.
"Jamaica, anong pinagsasabi mo?"
"Kiel, s-si Jazon iyon!" umiiyak nitong itinuro si Zach na nagpupumilit pa ring lumapit sa amin.
"Mommy, si Zach po iyan. Tara na po Daddy!" madali kong saad kay Daddy nang makitang nakawala ito sa mga guard robot na nakahawak sa kaniya.
"K-kiel, bababa ako!"
"Mommy!" nakahinga ako ng maluwang nang mabilis na pinalipad ni Daddy ang sasakyan samantalang ngumangawa pa rin si Mommy habang nakatingin sa baba.
"Mommy, anong problema mo?" niyakap ko siya ngunit hagulgol lamang ang isinagot nito sa akin.
"Si Zach po iyon, hindi si Jazon." Si Jazon 'yong anak ni Mommy sa unang asawa niya, ilang buwan lamang ang tanda nito sa akin.
I don't know their history but based on Mommy's story, babaero ang unang asawa niya. 3 years old pa lamang si Jazon noong nag-uwi ng babae ang asawa nito at doon pinatira.
Ilang buwang nagtiis si Mommy sa pang-aalipusta ng asawa at kabit nito. Nang hindi na siya nakatiis ay umalis siya, hindi niya naisama si Jazon sapagkat ayaw ibigay ng babae.
Until one day, nagkakilala sila ni Daddy. I admired them both for being inlove with each other kahit na hindi naging maganda ang past marriage life nila. Pinalaki nila ako na puno ng pagmamahal, doon ko siguro nakuha ang labis na pagmamahal kay Zach.
"Hindi ako pwedeng magkamali, anak ko iyon. Hindi ko alam kung bakit Zach na ngayon ang pangalan niya!" halos sumigaw na siya sa frustration.