Kabanata 7

1021 Words
"What the! Buntis ka ba?" gigil na bulong ni Tyrelle na ikinagulat ko.   "N-no," hindi ko alam!   "Kezia, let’s talk." Mariin itong nakatingin sa akin. Mabuti na lamang at dumating ang aming Maestra.   "Maupo kayong lahat."   "Bibili tayo ng pregnancy test mamaya, masasakal kitang babae ka!" tiningnan niya ako ng masama. Hehe! Ang cute rin niya!   "Gamitin mo na 'yan, bilisan mo!" malakas siyang pumalakpak upang maisara ang pintuan ng banyo.   Mabilis kong ginawa ang mga kailangang gawin, kung buntis ako'y lalabas ang salitang "Congratulations!" Sasabihin pa nito kung babae o lalaki ang magiging anak mo. Kung hindi ka naman buntis, "Sorry, better luck next time" ang lalabas. Kabado ako habang naghihintay. Nang tumunog ito'y hudyat na may resulta na.   "Sorry, better luck next time!" Napahinga ako ng malalim. I don't know what to feel. May parte sa akin na masaya sa resulta but at the same time, nanghihinayang din.   "Ano?" bakas sa mukha nito ang pinaghalong excitement at takot.   "I told you," 'tila nawalan siya ng tinik sa dibdib nang maipakita ko ang resulta.   "Ngunit bakit ganoon ang inaakto mo?" hindi pa rin siya makapaniwala.   "I don't know, siguro ngayon lang nag-react ang katawan ko sa sobrang puyat, pagod, at gutom."   "May ganoon ba? Magpatingin ka kaya?"   "No need, wala ito."   "Are you sure?" taas kilay nitong tanong.   "Yap, matutulog na ako." Walang gana kong saad.   "Hindi ka pa kumain!"   "Wala akong gana. Goodnight!" hinalikan ko siya sa pisngi.   Saktong pagkarating ko sa aking silid nang tumunog ang aking telepono, naibalik na kasi sa akin ni Tyrelle.   Tumatawag si Zach. Kung kanina'y gustong-gusto ko siyang lapitan, ngayon 'tila ayaw ko na siyang makita o marinig man lang ang boses nito. Ewan ko ba, nairita ako bigla sa kaniya!   "Manigas ka!" sambit ko sa aking sarili.   Nang hindi pa ito tumitigil sa kakatawag ay pinatay ko na lamang ang aking telepono.   "Nagugutom ako," ilang oras akong nakatihaya sa kama nang makaramdam ng gutom.   "Ano bang masarap na kainin? Hmm..." "Aha! Gusto ko ng manggang naibabad sa ketsup na may suka." Naglalaway ako habang iniisip iyon.   Lugmok akong napaupo sa upuan nang walang mahanap na mangga. Magpapabili na lamang ako kay Zach!   "Zach," mahinang tawag ko sa kaniya nang sagutin niya ang aking tawag.   "Kezia,"   "Bilhan mo naman ako ng mangga."   "W-what?" "Sige kung ayaw mo, salamat na lang."   "W-wait! Hindi sa ayaw ko pero hindi pa panahon ng mangga ngayon."   "Gusto ko 'yung manggang makakadikit. Parang kambal, hehehe!"   "Kezia, walang ganun." Nag-aalinlangan niyang sagot.   "Edi wag, bye!" pinatayan ko na ang tawag dahil naiiyak na ako.   "Bakit nandiyan ka sa kusina? Gutom ka? Maraming ulam diyan." Si Tyrelle.   "Tyrelle,"   "Umiiyak ka na naman! Ano bang nangyayari sa iyo? Hayaan mo na kasi 'yang Zach na iyan, maghanap ka na lamang ng ibang mamahalin!" hindi ko siya pinakinggan.   "G-gusto ko lang naman ng manggang magkadikit e, tapos isasawsaw sa ketsup na may suka!" kita ko sa kaniyang mukha ang pandidiri. "Please, Tyrelle. Bilhan mo ako ng mangga." Iyak pa rin ako ng iyak.   "Akala ko ba hindi ka buntis!" -- "Kezia Maureen, right?" nakataas ang kilay nito sa akin.   "Nasampal na nga kita, hindi mo pa alam ang pangalan ko?" ngisi ko sa kaniya.   Panira talaga ng araw 'tong impaktang ito. Bukod sa hindi ako nakakain ng mangga kagabi, siya pa ang bubungad sa umaga ko!   "Alam mo namang asawa ko si Zach, hindi ba?"   "Oo ngunit hindi kayo bagay." Ngumuso-nguso pa ako dahilan kung bakit mas nairita siya.   "At kayo ang bagay? Desperada ka!" bakas sa mukha niya ang pagpipigil ng galit.   "Hehehe. Obvious ba?" Kibit-balikat kong saad habang nakangiti.   "b***h!" gigil na gigil niyang hinila ang aking buhok.   "Ouch!" hinila ko rin ang buhok niya ngunit mas malakas pa rin ang pagkakahila nito sa aking buhok.   Naduduwal ako!   "H-heidi, n-nasusuka ako." Nabitawan ko ang kaniyang buhok ngunit mas lalo siyang naging agresibo.   "Dapat lang iyan sa'yo! Mamatay ka na! Ikaw na lang lagi ang bukambibig niya, si Kezia... si Kezia! Leche!"   "A-aray! H-hindi iyan totoo, hindi nga niya ako pinapansin e!"   "Bakit, alam mo ba? Palibhasa hahabul-habol ka sa kaniya!" napapapikit na lamang ako habang hila-hila pa rin niya ang aking buhok. Hindi ko na magawang manlaban dahil sa pagkahilo.   "Kezia!"   "Heidi, what the f*ck are you doing!"   "Z-zach, s-siya ang nauna!"   "H-hindi 'yan totoo,"   "Bitawan mo siya." Malamig niyang saad kay Heidi.   "O, ayan!" marahas niya akong itinulak dahilan kung bakit ako natumba.   "Ahhh!" namilipit ako sa sakit ng aking tiyan.   "K-kezia!" mabilis akong dinaluhan ni Zach.   "F*ck! B-bakit ka dinudugo?" nanghihina akong napatingin sa mga dugong dumadaloy sa aking hita.   "Maureen!"   "Anong ginawa mo kay Kezia!" malakas na sinampal ni Tyrelle si Heidi na tulalang-tulala sa aking hita.   "Halika na, Maureen." Bubuhatin na sana ako ni Caleb ngunit itinulak siya ni Zach.   "Ako na."   "Matagal na akong nagtitimpi sa iyong gago ka!" hindi nakailag si Zach nang suntukin siya nito sa mukha.   Hindi ko na kaya, dumidilim na ang aking paningin.   "Kezia,"   "Maureen!"   Nagising ako na puro puti ang nakikita ko.   "Gising na siya," si Tyrelle.   "A-anong nangyari?" tiningnan ko silang dalawa na nag-aalangan pang magsalita.   "Ahm, p-pauwi na sina Tita at Tito sa Pilipinas. Baka bukas nandito na sila."   "B-bakit ako dinugo?" may kutob ako kung bakit ngunit negative ang lumabas sa pregnancy test!   "A-ah! G-gutom ka na ba, Maureen?"   "Bakit hindi niyo ako masagot!" naiiyak kong sigaw, hindi rin sila makatingin ng deretso sa akin.   "Masyadong marami ang nawalang dugo sa iyo. N-nalaglag ang b-baby mo."   Laglag ang aking panga habang rumaragasa ang aking mga luha.   "Karma ko ba ito dahil sa kakahabol sa taong ayaw naman sa akin?"   "Wala kang kasalanan, okay?"   "A-ahm. Kanina pa sa labas si Z-zach, gusto mo ba siyang makausap para gumaan ang loob mo?" naninimbang na saad ni Tyrelle.   "Ayoko! Ayaw ko na siyang makita."   "Sigurado ka?"   "Masyado nang maraming naapektuhan. Ayoko na. Tama na ang lahat ng ito."   "Siguro tama sina Daddy, sasama na ako sa kanila sa Korea." Pinunasan ko ang aking pisngi.   "Maureen, huwag kang magpadalos-dalos."   "Hindi ba, iyon naman ang gusto niyo? Para matigil na ako sa kalokohan ko kay Zach, kailangan kong lumayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD