Months had passed, at sa awa ng Diyos naging maayos at tahimik ang buhay namin. "Moma, I'm so excited! Bagay po ba sa akin itong gown ko?" "Me too, Moma! Look at me, kamukha ko na po si Dada sa barong ko!" Ginulo ko ang buhok nina Zia at Zake. Napasimangot tuloy sila at inayos muli ang kanilang buhok. Mabuti'y pinayagan ni Mama si Zia na mag-sleep over dito mamayang gabi. Sobrang strikto kasi nila sa kaniya, gusto nilang nasa tabi nila ito palagi. "Sa susunod na araw na ang kasal mo pero nakasimangot ka riyan!" untag ni Tyrelle sa akin saka naupo sa tabi ko. Nandito siya sa bahay dahil magsusukat siya ng gagamitin niyang gown. Kukunin na rin daw niya ang kay Caleb dahil magkikita naman sila mamaya. "Ang taba-taba ko na kasi. Hindi ko na bagay iyong gown ko." Naiiya

