"Are you happy?" bulong ni Zach sa akin habang sinusubuan niya ako ng kamatis na sinawsaw sa mayonnaise na may toyo. "Super. Thank you for this." Niyakap ko siya sa kaniyang gilid. Nasa garden kaming dalawa ng aming bahay. Sina Mommy nama'y nasa kusina't kumakain. "No, ako dapat ang magpasalamat dahil hindi mo ako sinukuan kahit noong mga panahong hindi ako kamahal-mahal." Hinalikan niya ako sa noo. "Kahit naman gustong-gusto ko ng sumuko noon, ayaw akong pahintulutan ng puso ko." Sabay kaming natawa sa sinabi ko. "I love you damn much, baby." "I love you, too." Hahalikan niya sana ako ngunit agad kong kinuha ang hawak niyang tinidor na may kamatis at isinubo sa kaniya. "Damn!" tawa ako ng tawa sa itsura niya. Tumakbo ito sa may basurahan at iniluwa iyong kamati

