"Gusto mo?" alok ko kay Zach habang kumakain ng kamatis ngunit ngumiwi lamang siya. "M-masarap?" pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa kinakain ko. Pagkatapos namin kanina, pinapasok ko muna siya sa opisina niya. Hindi ko alam kung paano niya naisingit ang pagbili sa mga ito at naihabol niya sa lunch time. "Yeah, try mo." Ibinigay ko sa kaniya ang isang piraso ng kamatis at inilapit ang sawsawang ketsup na may toyo at suka. "A-ahm, s-sige lang." Hindi ko na lang siya pinilit, bahala siya riyan. Dalawang kilong kamatis ang binili niya, isang kilo pa lamang ang nauubos ko. Mamaya ko na lang siguro kakainin ang iba. "Oh, ayaw mo na?" tanong niya nang makitang inililigpit ko ang mga kamatis. "Busog na ako. Ubusin mo na itong sawsawan, sayang naman kung itatapon ko."

