"Hi, I'm Zake." Malamig na saad ni Zia. Nasa harap namin sina Mr. Martinez at si Maricar. Zach reset her memory. She's cold as ice. "I'm your Mama!" nilapitan siya ni Maricar upang sana'y yakapin ngunit tinulak niya ito, napaupo tuloy ang kawawang babae. "Don't touch me, please." "O-ok," sana gumana ang plano ni Zach. "Zake, go to your room." Pinukulan ni Zia si Mr. Martinez ng masamang titig ngunit tumayo rin ito at sumunod sa yayang robot patungo sa silid nito. "Bakit parang nag-iba siya? Parang hindi siya si Zake na dinala mo noon dito." Kinabahan ako sa sinabi niya. "Siya pa rin 'yon, Dad. Ni-reset ko lang ang memory niya para hindi na niya kami makilala. Dapat kayo ang una niyang makilalang mga magulang. Hindi siya pwedeng agad na ibenta. Kailangan niyo mun

