"Moma, ang dami niyo ng baby ni Dada!" masayang saad ni Zake habang nakayakap sa akin at paminsan-minsa'y hinahalikan ang aking pisngi. Ang sweet talaga ng batang ito, sarap panggigilan! "Ouch, Moma! Ang shakeeet!" natigil kami sa pagkukulitan nang marinig ang tikhim ni Zia. "Baby Zia, come here!" inilahad pa niya ang malawak na kama sa iritadong Zia. Bukas na namin siya dadalhin kina Maricar ngunit sa loob ng mga araw na nandito siya'y wala man lamang magandang nangyari. Lagi itong nagsusungit lalo na kay Zake na naglalambing sa kaniya parati. Nagulat ako nang lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ni Zake. Ito ang unang pagkakataong kusa siyang lumapit sa amin na hindi napipilitan. "Moma," sabay kaming suminghap ni Zake sa sinabi ni Zia. "Ahhh! Nevermind!" ginulo n

